top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

WILLIE, NAKIPAG-MEETING SA MGA EXECS NG TV5

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2024
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 16, 2024




Tama ba ang hinala namin na balik-TV5 soon ang nag-iisang Willie Revillame?


Isang insider ang nagpadala sa amin kahapon ng picture ni Kuya Wil kung saan makikitang kasama niya sina Ms. Jane Basas (President of Mediaquest and Cignal TV), Mr. Guido Zaballero (President of TV5), Mr. John Andal (CFO of Mediaquest) at Atty. Buko De La Cruz.


Ayon sa nagpadala sa amin ng naturang larawan, nakipag-meeting pa lang naman si Kuya Wil sa mga naturang executives ng Cignal at Kapatid Network at wala pang confirmation kung balik-TV5 nga ang TV host ng dating Wil Time Bigtime game show sa naturang network. 


Pero kung magtutuluy-tuloy ito, aba, maraming magbe-benefit, hindi lang si Willie kundi maging ang Kapatid Network na may TVJ na sa pananghalian (via Eat… Bulaga!), may Willie Revillame pa sa primetime ('yan ay kung sa naturang time slot nga ilalagay ang show niya).


At for sure, ngayon pa lang, marami nang senior citizens at mahihirap nating kababayan ang excited nang mapanood uli si Kuya Wil sa TV at makasali bilang studio audience sa kanyang game show.


At sana, ang pagbabalik-TV5 ni Kuya Wil din ang maging daan para magkaayos na sila ng nakatampuhan niyang nanay-nanayan na si Ninang Cristy Fermin.


Why not, coconut?!


DIREK CATHY AT DR. CARL BALITA, MAY PA-SINGING CONTEST SA MGA TEACHERS



Break muna sa paggawa ng pelikula ang box office director na si Direk Cathy Garcia-Sampana at mukhang kinakarir nito ang latest collaboration nila ng tinaguriang Father of Phil. Review na si Dr. Carl Balita.


Last Saturday, ini-launch na nga sa Cuneta Astrodome ang newest advocacy project na collab nina Direk Cathy at Dr. Carl, ang Gimme A Break na isang singing competition para sa mga teachers.


Bilib na bilib si Direk Cathy sa galing ng mga gurong contestants na akala mo mga professional singers at nakipagsabayan pa sa mga judges ng contest na sina Frenchie Dy, Teacher Rocky Garcia at Beverly Salviejo.


Present din sa naturang launching si Joross Gamboa na isa sa mga closest na artista kay Direk Cathy at laging kasama sa kanyang mga pelikula. 


Nagulat kami na ang lakas ng tilian kay Joross ng mga babae, at pati ang mga members ng LGBTQIA community, kilig to the bones kay Joross, ha?


Anyway, si Direk Cathy ang President & CEO. ng NICKL Entertainment na group of professionals with decades of experience in film, broadcasting, and entertainment.


Ang Gimme a Break is dedicated to putting the spotlight on the Filipino talents. With it, NICKL Entertainment aims to help local artists by giving them a chance to show what they've got. 


Nagsimula ang Gimme A Break noong 2021 with discovering new songwriters. The contest ran for a year until the best one emerged among the roster of talented songwriters — si Chard Salazar a.k.a. Putito Chief who has now written a song for SB19.


Kung tama ang narinig namin, dahil sa mainit na pagtanggap sa Gimme A Break project, magkakaroon na ito ng Season 2, kaya sa mga teachers na wannabe singers, join na kayo at baka kayo ang maging next singing superstar ni Direk Cathy at ni Dr. Carl Balita.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page