top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

WILLIE, NAGPRAMIS NA NEVER LALAYAS SA SIYETE, BIGLANG BABU NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 07, 2022




Labis na ikinagulat ng sambayanang Pinoy nang mag-post ang GMA Network ng kanilang official statement tungkol sa paglisan ni Willie Revillame at ng Wowowin sa Siyete.


Nauna ang nasabing statement ng GMA-7 na sa Feb. 15, 2022 ay mag-e-expire na ang kontrata ni Revillame. Huling pag-ere ng Wowowin sa Feb. 11, 2022 (Biyernes).


Naghihintay ang publiko sa magiging pahayag ni Willie tungkol sa kanyang pamamaalam sa GMA Network.


May mga kumakalat na balitang may deal-negosasyon na sa pagitan ni Revillame at ng kanyang BFF-business partner na si Manny Villar para sa bago nitong network na Advanced Media Broadcasting System (AMBS). Ang dating frequency ng ABS-CBN ay ibinigay ng NTC kay Villar.


Hindi nga inakala ng marami ang nasabing pangyayari dahil bago pa nagdiwang ng kanyang kaarawan si Willie last Jan. 27, nasabi niya on the air na tuluy-tuloy pa rin ang Wowowin sa GMA-7.

May pasabi na raw ang pamunuan ng Kapuso Network na ire-renew ang kontrata ng Wowowin.


Kaya naman nagpaabot na ng pasasalamat si Revillame sa mga big bosses ng GMA Network.


Mahigit isang linggo lang ang lumipas ay may bago nang kaganapan sa buhay ng Wowowin host.


At tiyak, nalulungkot sa balitang ito ang mga viewers ng Wowowin na umaasa na matatawagan ni Willie at mabibigyan ng ayuda.


Sa panahon ng COVID pandemic, kahit paano ay maraming natulungan si Willie Revillame via Wowowin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page