top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

WILLIE, NAGPASAKLOLO SA KONGRESO AT SENADO VS. BASHERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 10, 2023




Diretsahan na ngang humingi ng paumanhin ang TV host na si Willie Revillame sa kanyang nanay-nanayang si 'Nay Cristy Fermin matapos niyang masaktan ito dahil sa kanyang mga sinabing panunumbat sa kanyang programang Wowowin dahil naniwala siya agad sa 'nagparating' lang naman sa kanya na tinawag siyang 'mayabang' ng veteran columnist.


Mahaba ang naging litanya ni Willie sa Wowowin kung saan ipinaliwanag nga niyang sumama ang kanyang loob dahil may mga tao siyang tinulungan noon na tuwang-tuwa pa raw ngayon at sinisiraan siya.


May binanggit pa siyang celebrity na dati raw ay humihingi ng pabor sa kanya para makapagpasok ng mga talents sa Wowowin, pero ngayon ay binabanatan siya sa vlog nito.


Pahayag ni Willie, sumasama ang kanyang loob dahil parang siya pa ang sinisisi ngayon sa nangyayari sa AllTV na pansamantalang magpapahinga ang ilang programa gayung wala naman daw siyang alam dahil wala ring sinasabi sa kanya ang pamunuan ng AMBS Network.


Inamin ni Willie ang kanyang pagkakamali kay 'Nay Cristy at sa kanyang programa.


Aniya, "Kay Tita Cristy, sa pamilya mo, sa mga anak mo, I’m really sorry na nasaktan ko kayo.


Maraming salamat at ipinagtatanggol mo pala ako.”


Pero kasunod nito, nilinaw ni Willie na sa kanyang nanay-nanayan lang siya humihingi ng dispensa.


"Kay Tita Cristy lang ako nagso-sorry, hindi ru'n sa iba… dahil sa totoo lang po, 'yung iba d'yan, talagang ginagamit lang ang sitwasyon."


May ibang vloggers daw kasi na ginagamit ang kanyang mga interview at ine-edit na pinagmumukha siyang masama para lang panoorin ang vlogs ng mga ito.


Kaya ang panawagan ni Willie sa lahat, "Kung may nakikita po kayo na video na ine-edit at sinisiraan 'yung kapwa natin tao, sana, sa Kongreso at Senado, gumawa na kayo ng batas, na dapat mapanagot 'yung mga taong gumagawa niyan, dahil paninira na po ng pagkatao ng kapwa natin 'yan."



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page