top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

WILLIE, INIIKOT ANG MGA PROPERTIES SA TAGAYTAY AT MINDORO GAMIT ANG CHOPPER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 12, 2021





Ayon sa veteran columnist/TV and radio host na si Cristy Fermin, marami ang nakakapansin na parang pagod na pagod lately si Willie Revillame sa Wowowin.


Pero dahil lagi raw niyang nakikita ang TV host ay hindi niya ito napapansin. Ang mga manonood daw at ang mga kaibigan niya ang nagsasabi sa kanya na parang pagod na pagod ang TV host at mukhang kailangan ng pahinga.


“Ang sabi ng iba, sana raw, magkaroon si Willie ng pahinga. Ako na po ang nagsasabi sa inyo, bukod sa pagiging sikat na TV host, bukod sa pagiging bilyonaryong TV host, siya po ang puwede nating lapatan ng titulong ‘Ang Lalaking Walang Pahinga,’” sey ni 'Nay Cristy sa show niyang Cristy Ferminute.


“Eh, kahit naman may pahinga siya, may ginagawa pa rin siya, eh. Alam mo 'pag Sabado’t Linggo, 'day, Diyos ko, hindi mo siya makakausap. Nagpapalipad ng chopper. Una, sa Iruhin muna siya, sa Tagaytay, 'andu’n ‘yung mga villa-villa niya katabi ng mansiyon niya na overlooking Taal volcano and lake.


“Pagkatapos nu’n, lilipad naman siya ngayon ng Mindoro, 'di ba, 'andu’n naman ‘yung ipinapagawa niyang hotel?” dagdag pa ni 'Nay Cristy.


Sobrang sipag na tao nga raw ni Willie at sobrang perfectionist din. Sa bawat araw daw ay may nakaplano na itong gawin. At sobrang hands-on daw ito sa lahat ng ginagawa.


“Kaya alam mo, wala siyang makakasundong babae talaga, eh, ‘yung matagalan,” sey pa ni 'Nay Cristy.


Sobrang metikuloso nga raw kasi ni Willie. “Kaya hayan, mabuhay na lang siyang ganyan,” hirit pa ng veteran columnist/TV and radio host.


Actually, medyo matagal-tagal na ngang wala tayong nababalitaang nagpapasaya sa puso ni Willie. At nabanggit niya nga minsan sa show niya na wala raw talaga siyang panahon sa love life at nandiyan naman daw ang kanyang mga apo na nagpapaligaya sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page