top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

WILLIE, IBINULGAR NA SI CHARO ANG NAGBIGAY NG UNANG BAHAY NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 29, 2021




Naging emosyonal ang Wowowin host na si Willie Revillame noong nagdiwang ng kanyang 60th birthday last Jan. 27 sa kanyang programa sa studio ng Wil Tower.


Sobrang na-miss ni Revillame ang kanyang mga loyal fans na laging nasa GMA studio at nanonood. Halos isang taon na rin na hindi niya nakikita at nakakasama ang kanyang ever supportive fans at laging nasa audience ng Wowowin.


At iba pa rin ang feeling ni Willie kapag personal niyang nakikita/nakaka-bonding ang mga suki ng Wowowin. Naaaliw siya sa iba't ibang kuwento ng buhay na isine-share ng mga ito.


Kaya wish ni Willie, magbalik na sa normal ang lahat at muling makapag-live sa studio ang Wowowin na may audience.


Samantala, kahit paano ay naging masaya at memorable pa rin kay Revillame ang kanyang 60th b-day dahil bumati at nakaalala ang kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Nagpahatid ng pagbati (via VTR) sina Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, Sen. Sonny Angara, Sen. Cynthia and Manny Villar, Sen. Bato dela Rosa, Presidential Spokesman Harry Roque, GMA Network CEO Felipe L. Gozon, ang mga kaibigang aktor na sina Aga Muhlach, Phillip Salvador, John Estrada, Randy Santiago, Richard Gomez, Tirso Cruz, Coco Martin , Edgar Mortiz at si Ms. Charo Santos.


Nabanggit ni Willie na si Charo Santos ang nagbigay ng una niyang bahay noong talent pa siya ng ABS-CBN.


Nakisaya rin kay Willie ang major sponsor ng Wowowin na sina RS Francisco at Sam ng Frontrow. Isang house and lot naman ang ibibigay sa lucky winner na mapipili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page