WILLIE, GUSTONG BUMALIK SA TV5
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 9, 2023

May tsikang kursunada ni Willie Revillame ang afternoon slot ng TV5 na inayawan ng It's Showtime. Ito raw ang gustong kunin ni Revillame para sa programa niyang Wowowin.
Gusto na raw bumalik ni Willie sa pagso-show nang live sa TV. Pero, wala pa silang naging pag-uusap ng CEO ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan.
Dati nang nasa TV5 ang show ni Willie Revillame, ang WoWoWillie. Ilang taon din itong tumagal sa Kapatid Network bago siya lumipat sa GMA-7. Pero, iniwan niya ang Kapuso Network nang dahil sa alok ni Manny Villar para sa AMBS Network.
Natengga si Willie dahil hindi agad nakapag-launch ng mga shows ang AMBS/AllTV.
At ngayon na gusto niyang magbalik, naniniwala siyang may solid audience ang afternoon slot bago ang newscast, kaya pursigido si Willie na muling buhayin at ibalik ang programa niyang Wowowin.
At least, sa afternoon slot ay wala siyang mahigpit na kakumpitensiya.





Comments