WILLIE, FOR SALE NA ANG MGA MAMAHALING GAMIT
- BULGAR
- Apr 3, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 3, 2023

May ilang malalapit na kaibigan ni Willie Revillame ang nagkuwento na gusto na raw ng Wowowin host na mamuhay nang simple lang. Kaya naman ang ilan sa mga naipundar niyang mamahaling gamit ay kanya na ngayong idini-dispose at ibinebenta.
May collection ng mga luxury cars si Willie na milyun-milyon ang halaga. May dalawa rin siyang yate at may sarili ring chopper.
May mga nabili rin si Willie na villas sa Tagaytay Highlands at may private resort din siya sa Puerto Galera.
Hindi naman malulugi si Revillame kung sakaling ibenta na niya ang ilan sa kanyang mga naipundar na properties. Sa katunayan nga ay tutubo pa siya dahil tumaas na ang market value ng mga ito.
Dahil sa ilang pagsubok na kanyang pinagdaanan at may mga pagkakaibigan ding nasira, marahil ay na-realize na ni Willie Revillame na mas okay na ang magkaroon ng simple pero payapang pamumuhay. At mukhang 'yun na nga ang gusto niyang balikan.





Comments