top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

WILLIE AT RANDY, CHOPPER AT PORSCHE ANG SERVICE SA TRABAHO

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 18, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 18, 2022



Naka-post sa Instagram ni Randy Santiago ang TikTok video na makikita sila ni Willie Revillame na bumaba sa helicopter at sumakay sa isang luxury car na Porsche raw.


Parehong pagmamay-ari ni Willie ang dalawang mamahaling sasakyan.


"Off to work with Capt. Willie,” ang maririnig na itinawag ni Randy kay Willie. Kung bakit, malalaman natin kapag natanong si Randy dahil tiyak na may pinanggalingan.


Curious din ang marami kung anong “work” ang tinukoy ni Randy at kung magkakaroon ba siya ng show sa ALLTV.


Speaking of Willie, news programs ng ABS-CBN, TV5 at GMA-7 ang makakatapat ng kanyang Wowowin na airing mula 7 PM hanggang 8:30 PM. Nagsisimula ang news programs ng 6:30 PM at tumatagal hanggang 8:00 PM kaya makakatapat pa ng show ni Willie ang 30 minutes ng teleserye.


Sa GMA-7, makakatapat ng Wowowin ang 24-Oras at ang 30 minutes ng Lolong. Sa ABS-CBN, ang TV Patrol at Darna ang makakatapat nito. Pati ang Saturday shows ng three networks ay mahahagip din ng Wowowin na Monday to Saturday ang airing.


Iiwan ba ng mga TV viewers ang news programs at teleserye in favor of Wowowin? Malalaman natin ang sagot sa ratings at feedback ng mga viewers.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page