WILL AT MIKA, BASTOS SA TIKTOK, NA-BASH
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 23, 2026

Photo: Will at Mika Salamanca - Instagram
Mukhang hindi nakaapekto sa kanilang karera ang kontrobersiyal na TikTok (TT) nina Will Ashley at Mika Salamanca kung saan sila na-bash dahil may sinabing bastos, at posibleng tuluyan pa ngang ilunsad ang love team ng dalawa sa pagbibidahan nilang
Afternoon Prime na Delivery Boi (DB). Nag-storycon na ang series at ipinakilala na ang cast at mga director.
Makakasama nina Will at Mika sina Eric Quizon, Meryll Soriano, Keempee de Leon, Yasser Marta, Mikoy Morales, Vince Maristela, Angeli Nicole Sanoy, at Maricar de Mesa.
Sina Dominic Zapata at Adolf Alix, Jr. ang mga directors ng series.
Naging controversial ang dalawa dahil sa kanilang TT na may playtime banter na may binanggit na body parts.
Si Mika Salamanca ay binanggit ang ‘SS’ sabay takip ng mukha ng throw pillow, habang si Will Ashley naman ay nagsabi ng ‘fekdek’ na umani ng reaksiyon lalo na’t may mga batang fans sila.
Parehong Kapuso stars…
RHIAN AT FAITH, TINUHOG DAW NI SAM
NAKAKATUWA ang mga fans, ginigi-guilty si Faith da Silva dahil siya ang madalas nakikitang kasama ng businessman-pulitiko na si Sam Verzosa.
Ipinaalala nila sa aktres na magkasama sila ni Rhian Ramos, ex ni Sam, sa Sang’gre. Ngayon, siya na ang bagong babae nito.
Magka-date sina Sam at Faith sa concert ni Jessica Sanchez at magkasama rin sa birthday party ng showbiz reporter na si Jun Lalin.
Sa concert ni Jessica, may pagitan pa ang kanilang upuan, pero obvious na sila ang magkasama.
Pati nga sa mga reels na ifinlex ni Sam na bago nilang office building, si Faith ang kanyang kasama na nag-check ng mga offices. May napa-comment tuloy na wish niyang si Rhian ang kasama nito.
Hindi rin maiwasang may magkumpara kina Rhian at Faith na pareho namang Kapuso stars. Bakit daw ang hilig ni Sam sa Kapuso stars dahil after Rhian, na-link sa kanya si Kyline Alcantara dahil lang nag-attend ito sa isang event ng Maserati.
Biglang out na sa picture si Kyline dahil si Faith na ang madalas kasama ni Sam.
May nag-comment pa na mahilig pala si Sam sa mga diwata, dahil parehong diwata ang mga karakter nina Rhian at Faith sa Sang’gre.
Pero tama ang isang fan na i-wish na lang natin na pare-parehong maging masaya sina Rhian Ramos, Faith da Silva, at Sam Verzosa.
ISA sa mga concerts na gugustuhin mong mapanood ay ang Ngayon at Kailanman: The Music of George Canseco, isang tribute sa mahusay na songwriter na si George Canseco.
Sa buong concert, puro compositions nito ang mapapakinggan at paniguradong makiki-sing along ka pa.
Sa June 13, 2026 ang nasabing concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater. Si Frank Mamaril ang director nito at musical director si Louie Ocampo.
Malaking pang-come-on sa mga fans ang mahuhusay na singers na mag-i-interpret sa komposisyon ni Canseco na pinangungunahan nina Basil Valdez at Kuh Ledesma. Kasama rin sina Leah Navarro, Anthony Castelo, at Dulce.
Sa mga younger singers, kasama sina Rita Daniela, Jona, at Mark Bautista.
Ang daming kuwento ni Kuh tungkol kay Canseco, kabilang ang kanyang paniniwala na kailangan niyang ma-in love sa mga singers na pinapakanta ng kanyang mga komposisyon upang mas gumanda ang kanyang isinusulat na kanta.
Naikuwento rin niya na si Dulce ang kasama ni Canseco sa huling araw nito sa ospital, at hawak ni Dulce ang kamay ng composer bago ito pumanaw.
Sabi naman nina Jona, Rita, at Mark, hindi man nila nakilala nang personal si Canseco, alam nila at kinakanta nila ang kanyang mga komposisyon. May panghihinayang ang tatlo na hindi nila ito nakilala at hindi nabigyan ng pagkakataon na ma-interpret ang kanyang mga kanta.
We asked Kuh, Jona, Mark, at Rita to describe the music of Canseco.
Sey ni Mark, “Timeless. His music is timeless. Iba ang choice of words n’ya kaya timeless.”
Ani Rita, “Aside from being timeless, his music is classic. Tama si Jona, ‘pag pinakinggan sa mas bata sa akin, mararamdaman nila ang music n’ya, makaka-relate sila lalo na ang mahihilig sa tula at malalalim na Tagalog. Sobrang galing n’ya.”
Sabi ni Jona, “Timeless din, kahit noon pa nagawa ang mga songs na ‘to, after this generation, his songs still speak to us. Also, aside from being timeless, his songs are hauntingly beautiful.”
Wika ni Kuh, “Si George Canseco ay makata, malalim ang kanyang lyrics. His music is so much heart. He is romantic, he is a lover boy. He falls in love with his singer at kailangan in love s’ya para makapagsulat ng kanta. ‘Di ko sinabi na in love s’ya sa akin. He is special, he is a gift to us Filipinos. Ang music n’ya ay walang kamatayan.
“When I first heard the album of Basil Valdez, ‘di ko alam kung kay Basil. Magaling talaga s’ya at alam n’ya kung paano pumili ng singer at boses para sa kanyang mga kanta.”





thetinyfishing sets itself apart from complex simulators by focusing entirely on pure arcade fun.