top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

WILBERT, OKS LANG KAHIT 'DI NA VIRGIN ANG MAGING GF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 20, 2023



Bagong Vhong Navarro (mas guwapo nga lang, in fairness) ang nakikita namin sa actor-comedian-singer-dancer na si Wilbert Ross na bida sa bagong Puregold YouTube Channel series na Ang Lalaki sa Likodng Profile katambal ang Yen Santos look-alike na si Yukii Takahashi.


First time humarap sa press people sina Wilbert at Yukii kasama ang iba pang cast ng YT series na sina Kat Galang, Migs Almendras, Marissa Sanchez, Star Orjaliza, Moi Morcampo, TJ Valderrama at Anjo Resurreccion, gayundin ang direktor nilang si Direk Victor Villanueva at ang award-winning filmmaker na si Chris Cahilig sa ginanap na presscon ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa World Trade Center last Thursday kasabay ng Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Negosyo Convention.


Dahil klik ang tambalan nina Wilbert at Yukii sa series, kinakantiyawan sila kung may something na ba sa kanila in real life lalo't pareho silang single ngayon.


Sey ni Yukii, hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Wilbert pero kung saka-sakali, open naman siya dahil nababaitan siya sa leading man at nakikita niyang mabuting tao ito.


Si Wilbert naman, dahil nakagawa na ng movies sa Vivamax tulad ng Boy Bastos, inintriga ng press kung virgin pa.


Nagpaka-safe sa sagot ang dating Hashtags member at sinabing sa kanya na lang daw ang mga personal na bagay tulad nito.


But when asked kung issue ba sa kanya ang pagkakaroon ng girlfriend na virgin pa o hindi na, very vocal si Wilbert na tanggap niya kahit 'di na virgin ang girl dahil marami naman daw nagmahal at nagtiwala ng sarili nila sa lalaking hindi naman nila naging asawa.


Ang importante kay Wilbert, simple lang ang babae at matatanggap siya kung ano at sino siya, at hindi bilang celebrity.


Anyway, naka-ilang episodes na ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa YT Channel ng Puregold na mula sa produksiyon ni Chris Cahilig, na siya ring nagprodyus ng GV Boys at Ang Babae sa Likod ng Face Mask.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page