top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Westbrook ng Wizards, naisahan ang Lakers

BULGAR
Apr 30, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 30, 2021




Malaking panalo ang nakamit ng Washington Wizards sa defending champion Los Angeles Lakers, 116-107, sa NBA kahapon mula sa Capital One Arena. Naitala ni Russell Westbrook ang kanyang ika-30 triple double ng torneo at wagi ang Wizards sa 11 ng kanilang huling 13 laro.

Nagtapos si Westbrook na may 18 puntos, 18 rebound at 14 assist para sa kartadang 28-34 at ika-10 sa Eastern Conference. Hindi din napigilan si Bradley Beal at nagbagsak siya ng 27 puntos habang 18 puntos din si sentro Alex Len.

Nakabawi din sa masaklap na talo ang New York Knicks at binuhos ang sama ng loob sa Chicago Bulls, 113-94, at kumatok sa pinto ng playoffs. Nagsabog ng 34 puntos si Julius Randle at tinulungan ni RJ Barrett na may 22 puntos.

Hindi pumayag na matalo ng tatlong sunod ang bisitang numero unong Utah Jazz at binaon ng 49 puntos ang Sacramento Kings, 154-105. Tinapos ng maaga ang laban nina Bojan Bogdanovic na may 24 at kabayan Jordan Clarkson na may 23 puntos.

Sumabay sa Jazz ang pangalawang Phoenix Suns at pinigil ang pumapangatlong Los Angeles Clippers, 109-101. Gumawa ng 28 puntos at 10 assist si Chris Paul at sinundan ni Devin Booker na may 21 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page