Wedding of the Year talaga… BEA, NAIPAMAHAGI NA ANG TELANG ISUSUOT NG ENTOURAGE SA KASAL NILA NI VINCENT
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 21, 2026

Photo: IG _bealonzo
Tuluy-tuloy si Bea Alonzo sa pagsu-shoot para sa bago niyang teleserye kahit nalalapit na ang nababalitang araw ng kanyang kasal kay Vincent Co.
Si Bea rin mismo ang nagbigay ng kanyang schedule para sa taping days sa muling pagsasanib-puwersa nila ng award-winning director na si Zig Dulay sa bagong Kapuso serye na Whispers From Heaven (WFH).
Kung totoo ang tsika na sa May 16 ang kasal nina Bea at Vincent sa Spain, posibleng magpahinga pansamantala sa taping si Bea two or a week before that day.
May nasagap din kaming tsika na naipamigay na raw ang telang gagamitin para sa damit ng entourage sa kanilang kasal.
Tama lang ito dahil may sapat na oras pa para ipatahi ang telang natanggap nila.
Tiyak na mga bigating celebrities ang kinuha ni Bea para sa kanyang entourage.
Malamang pabonggahan din ang mga fashion designers na gagawa ng kanilang outfit mula sa telang natanggap ng wedding entourage.
Wow! Wedding of the Year talaga ang Bea Alonzo at Vincent Co nuptial.
Kesa sa bonggang b-day party…
KIM, NAGPAAYUDA NG FULL TANK GAS, GROCERY AT PAGKAIN SA MGA DRIVER
PURING-PURI si Kim Chiu ng mga netizens dahil sa ayudang ibinigay niya para sa public transportation drivers.
Kesa raw mag-celebrate ng kanyang kaarawan with a bonggang-bonggang party ay mas pinili niya ang mag-share ng blessing sa mga naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Imbes na siya ang regaluhan, ang It’s Showtime (IS) host na si Kim pa ang nag-blowout sa ating mga kababayan.
Libreng full tank na pa-gasolina ang birthday treat ni Kim sa mga drivers. Bukod d’yan, may kasama pang libreng grocery pack at pagkain ang birthday gifts ni Kim sa kanila.
Kaya ganoon na lang ang paghanga at papuring ibinigay ng mga netizens sa Chinita Princess.
Komento ng mga netizens:
“Our Queen Chiu (crown emoji).”
“Maganda, sexy at higit sa lahat, napakabusilak ng kanyang puso.”
“You can see the smiles on the lips of the drivers who were blessed with Kim Chiu's birthday gift (red heart emoji). Thank you for your care and love for our drivers, Queen Chiu.”
“The ever generous Kim Chiu, ang babaeng may malaking puso para sa masa.”
“Woke up reading this (crying emoji). I stan the right Queen. Maraming blessings but ang dami ring challenges and even hate from envious parties Despite this, she chooses to be kind and generous.”
“Nakaka-proud naman ang aming Chinita Princess.”
Bravo, Kim Chiu!




Comments