Warriors, reresbakan ang Celtics, Alas, sportsmanship awardee
ni Anthony E. Servinio / GA - @Sports | June 6, 2022

"Kami naman!" iyan ang isisigaw ni Golden State Warriors coach Steve Kerr ngayong araw para sa kanyang team at babaligtarin nila ang sitwasyon sa Game 2 ng NBA Finals makaraang matalo sila sa unang laro laban sa Boston Celtics.
Paborito ang Golden State ng fans para makuha ang ikapitong NBA championship bago pa nagsimula ang serye pero naagaw ng Celtics ang momentum sa Game 1 noong Huwebes at iwan sa 12 puntos ang Warriors at kunin ang 1-0 win loss sa best-of-seven.
Ang pagkatalo na iyon ng Warriors ay ikinagulat dahil sa nagtarak agad ang Celtics ng 40-16 na kalamangan sa final quarter at nag-iwan ng katakut-takot na sapantaha sa mga komentarista ng laro.
Kailangang kumapit nang husto ang Celtics sa una nilang panalo sa serye lalo na at idaraos sa balwarte ng Warriors, sa San Francisco ang Game 2 bago uli magbalik ang laro sa Game 3 at 4 sa Boston.
Karanasan na rin at kabataan ang puhunan ng Warriors upang hindi na maulit pa ang pagkatalo.
Samantala, sa Leo Awards ng PBA, ang Second Mythical Team ay binubuo nina Ian Sangalang (Magnolia), Christian Standhardinger (Barangay Ginebra), Mathew Wright (Phoenix), Robert Bolick (NorthPort), at CJ Perez (SMB).
Ang iba pang awardees ay sina: Samboy Lim Sportsmanship Award: Kevin Alas (NLEX) Most Improved Player: Juami Tiongson (Terrafirma): All-Defensive team: Cliff Hodge (Meralco) Arwind Santos (NorthPort) Kelly Williams (TNT) Jio Jalalon (Magnolia) at Chris Ross (SMB).
Nagsimula na rin kahapon ang 47th season ng PBA Philippine Cup at sumalang ang debuting team na Converge FiberXers.





Comments