top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Warriors at Knicks, kumikikig pa sa semis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 12, 2023



Mga laro ngayong Biyernes


7:30 AM Boston sa Philadelphia

10:00 AM Denver sa Phoenix


Buhay pa rin ang kampanya ng World Champion Golden State Warriors at New York Knicks sa pagpapatuloy ng 2023 NBA Playoffs kahapon. Nagtrabaho ng todo sina Stephen Curry at Jalen Brunson upang matiyak na magkakaroon ng dalawang Game Six ngayong Sabado.


Pinigil ng Warriors ang rumaragasang Los Angeles Lakers, 121-106. Bago nito ay binitin ng Knicks ang martsa ng Miami Heat, 112-103, subalit kahit bigo ay lamang pa rin ang Lakers at Heat sa mga serye, 3-2.


Mula sa huling tabla na 54-54 ay humataw ang Warriors at tinuldukan ang first half sa magkasunod na tres nina Klay Thompson at Curry upang lumayo, 70-59. Hindi na bumitaw ang Golden State at pinalaki pa lalo ang agwat sa 79-61 sa third quarter at kahit pumalag ang Lakers ay nabalik nila ito sa 118-100 pagsapit ng last two minutes ng laban.

Nagtapos na may 27 puntos si Curry. Nanguna sa Lakers si Lebron James na may 25 puntos. Walang pahinga si Brunson at linaro ang buong 48 minuto at nagtala ng 38 puntos. Hindi sumapat ang 19 puntos ni Jimmy Butler para sa Miami.


Kumilos ang Knicks sa third quarter kung saan umabot ng 73-54 ang lamang matapos umabante lang ng 50-47 sa halftime. Nagtira pa ng lakas si Brunson para sa huling quarter at nagdagdag ng 10 puntos upang hindi makalapit ang Miami.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page