top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Warrant of arrest kay Quiboloy tuloy, KOJC members iyakan na naman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 29, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

‘PAG NAPATUNAYAN NG KAMARA NA NAGSINUNGALING NA NAMAN SI HARRY ROQUE, MALAMANG KULONG ULI ANG ABUTIN -- Sa imbestigasyon ng Kamara noong Aug. 22, 2024 tungkol sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drugs at extrajudicial killings (EJK) sa bansa, ay tinanong ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez si former presidential spokesman Harry Roque kung ang kanyang dating executive assistant na si AR Dela Serna ay nakaharap na ni POGO executive Cassandra Ong, ang tugon ni Roque ay isang beses lang daw nang minsang isama niya ito sa lunch nila ni Miss Ong.


Nitong Aug. 28, 2024 ay si Miss Ong naman ang tinanong ni Cong. Gutierrez kung nakaharap na nito si Dela Serna, ang tugon niya ay nakaharap umano niya at isang beses lang daw nang minsang mag-dinner sila ni Roque.

Sabi ni Roque ay lunch, ang sabi naman ni Miss Ong ay dinner, kaya’t kapag sa isyung ito ay napatunayan ng mga cong. na nagsinungaling na naman ang dating presidential spokesman, malamang kulong uli ang abutin niya sa Kamara, abangan!


XXX


TAKOT SI ROQUE NA MABULOK SA KULUNGAN, KAYA GUSTONG MAPATALSIK SI PBBM -- Panay ang panawagan ni Harry Roque ng people power para patalsikin sa puwesto si Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Hindi man aminin ni Roque, ang rason kung kaya’t gusto niyang mapatalsik sa puwesto si PBBM kasi may inihahanda ng kasong qualified trafficking in person laban sa kanya ang Marcos admin kaugnay sa pagkakasangkot niya sa illegal POGO operation sa bansa, na sa kasong ito ay maaaring maging dahilan para mabulok siya sa kulungan, at iyan ang ikinatatakot niya, boom!


XXX


PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST KAY QUIBOLOY TULOY, KAYA MGA KOJC MEMBERS IYAKAN NA NAMAN -- Naglulundag sa tuwa ang mga kasapi ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nang maglabas ng Temporary Protection Order (TPO) ang korte sa mga pulis tungkol sa pagpasok nila sa compound ng KOJC.


Kaya lang nag-iyakan na naman sila nang linawin mismo ng korte na ang kautusan nilang TPO ay para lang maprotektahan na walang masira sa loob ng KOJC church. Ibig sabihin, tuloy ang paghahanap ng mga pulis kay Pastor Apollo Quiboloy sa loob ng compound ng KOJC para isilbi sa puganteng pastor ang warrant of arrest, period!


XXX


KAPAG HINDI SINAGOT NI VP SARA ANG TANONG NG MGA CONG. BAKA PAGKAISAHAN SIYA, IMBES P2B, GAWING P1 ANG BUDGET NG OVP -- Dahil sa hindi pagsagot ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa mga tanong ng mga kongresista tungkol sa hinihingi niyang higit P2 billion budget ng OVP o Office of the Vice President, ay pansamantalang hindi muna inaprub ng Kamara ang budget sa OVP para sa year 2025, at itinakda sa Sept. 10, 2024 ang next hearing sa OVP 2025 budget.


Sana sa Sept. 10, 2024 ay sagutin na ni VP Sara ang katanungan ng mga cong. kasi kung hindi niya gagawin ay baka pagkaisahan siya ng mga kongresista at iaprub lang ng P1 budget ang OVP, tsk!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page