top of page
Search
  • BULGAR

Warehouse sa Laguna, nasusunog

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 9, 2021




Nananatili sa ika-apat na alarma at mag-aanim na oras nang nasusunog ang bodega ng pagawaan ng pinto sa Southville 3A San Antonio San Pedro City, Laguna.


Ayon kay Jun Sumek Ang, fire marshal ng San Pedro City Bureau of Fire Protection (BFP), hindi nila maideklarang kontrolado na ang sunog dahil malaki pa rin ang apoy sa ilang bahagi ng warehouse ng D’ Summit Lumber Corporation.


Gayunman, nakasisiguro ang BFP na hindi na kakalat pa ang apoy lalo’t ang likuran ng bodega ay isang residential area.


Malaking hamon sa mga bumbero ang kakulangan sa supply ng tubig dahil may kalayuan ang pinagkukunan nito. Idagdag pa ang matarik na daan papasok sa nasusunog na bodega.


Sa tindi ng apoy kanina ay bumigay na ang bubungang bahagi ng warehouse. Sa ngayon ay patuloy ang pagbomba ng tubig ng mga bombero.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page