top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

War Cannon, astigin sa PCSO 3-YO Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2021
  • 2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 29, 2021



Humanga ang mga karerista sa ipinakitang tikas ni War Cannon matapos manalo sa 2021 PHILRACOM-PCSO 3-Year-Old Locally-Bred Grand Derby noong Linggo ng hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Hindi nag-apura sa largahan ang anak nina Brigand at Ivanavinalot, lumabas na pangalawa sa huli si War Cannon habang ang kakampi nitong si Flattering You ang kumuha ng bandera paglabas ng aparato. Sakay ni class A jockey Kelvin Abobo, dahan-dahan na nilalapit ng hinete si War Cannon sa unahan bandang kalagitnaan ng karera.


Pagdating ng huling 600 metro ng laban, nararamdaman na ng mga karerista ang panalo ng pag-aari ni Melaine Habla na si War Cannon kaya naman mag-isa itong tumawid sa finish line ng may anim na kabayo ang agwat sa nasegundong si Arrabiata.


Inilista ni War Cannon ang 1:53.4 (13'-22-24'-25-28) minuto sa 1,800 meter distance sapat upang ibulsa ng horse owner na si Habla ang P1.8M, nakopo ni Arrabiata ang second prize na P600,000 habang P300,000 ang nauwi ng terserong Isla Puting Bato.


May tig-P150,000 at P60,000 ang fourth at fifth placers na sina All Too Easy at Tocque Bell ayon sa pagkakasunod sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM). "With the win by War Cannon, Melaine Habla's Brigand is now the year's leading stallion nosing out erstwhile leader Oh Oh Seven of the Esguerra Farms and Stud," saad ni De Leon. Nakopo ng breeder ng winning horse ang P150,000 na premyo.


"Mahusay ang pagkakadala kay War Cannon, sigurado mas mag-uumento 'yan sa susunod na taon," hayag ni Pablito Cortez, veteran karerista.


Samantala, nagpakitang gilas din si Secret Romance sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pang-walong karera.


Ginabayan ni class A rider Mark Angelo Alvarez, nagtala ng tiyempong 1:14.2 minuto sa 1,200 meter race si Secret Romance, hinamig ng connections nito ang added prize na P100,000.


Dumating na pangalawa si Blazing Bullet, tersero si Amaretto Sour habang pang-apat si Viscerion.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page