Wapakels kahit i-bash sa pagpapalda sa premiere… XIAN, GUSTUNG-GUSTONG PINAG-UUSAPAN PARA LAGING SIKAT
ni Ambet Nabus @Let's See | July 6, 2024

Nasa stage na marahil si Xian Lim ng kanyang career na wapakels o walang pakialam in today’s term at nonchalant sa mga sasabihin ng tao.
Sa naging kasuotan niya sa premiere ng idinirek niyang movie na Kuman Thong, all-out si Xian sa pagiging fashionista by wearing a skirt na para sa amin ay bumagay sa kanyang aura at height. Model kung model ang peg ni Xian, pero siyempre para sa mga bashers niya at hindi natutuwa sa kanya, wala silang nakitang kapogian sa style ng aktor-direktor.
Sa mga narinig din namin, may mga nagkagusto sa movie na idinirek niya kaya’t may pag-asa kumbaga ang career niya on directing.
Kaya namin nasabi na wapakels na si Xian sa bashing o nega comment sa kanya ay dahil hindi na niya ito pinapansin at lalong hindi na niya ito pinapatulan pa.
To make the long story short, na-achieve na marahil ni Xian ang goal niyang maging relevant sa mga showbiz talkies and intrigues, kaya hahayaan na lang niyang mabigyan siya ng publicity, good or bad man ‘yan.





Comments