top of page
Willie Revillame - FB.jpg

Nakikita sa panaginip… SUE, EXCITED MATULOG PARA MAKASAMA ANG YUMAONG MADIR

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 19, 2026



TALKIES - SUE, EXCITED MATULOG PARA MAKASAMA ANG_IG _sueannadoodles

Photo: IG _sueannadoodles



Emosyonal na nagbahagi si Sue Ramirez ng mensahe para sa kanyang yumaong ina na si Chit sa pamamagitan ng isang Instagram (IG) post, kung saan ibinahagi niya ang isang larawan nilang magkasama.


Aniya, “Araw-araw kitang iniisip, Mi (Chit). Isang buwan na ang nakalipas. Sobrang saya ko na palagi mo akong dinadalaw sa panaginip ko. Looking forward ako lagi na matulog kasi baka nandu’n ka. Laging nakangiti. Laging masaya. 


“‘Di gumagaan ‘yung mga luha. Habang tumatagal, lalong bumibigat. Parang sakit na walang gamot. Parang problema na walang solusyon.


“We miss you so much, Mi. Alam ko nakabantay at nakaalalay ka sa ‘min. Nararamdaman ko, Mi. Nand’yan ka.


“Mahal na mahal kita. Balik-balik ka lang sa panaginip ko, ha, kahit araw-araw pa.”

Matatandaang pumanaw ang ina ni Sue noong August 17, 2026.





SUPER-ACCOMMODATING at friendly pala ang bagong manager ng aktres na si Bea Alonzo na si Chris Cahilig.


Sa katatapos na press conference ng Puregold CinePanalo Film Festival na ginanap sa Gateway Mall last Thursday, nagpahayag si Cahilig, Festival Director ng Puregold CinePanalo Film Festival, tungkol sa mga pelikulang handog ng Puregold CinePanalo ngayong 2026.


Pahayag niya, “Tatlong taon na mula nang ilunsad namin ang Puregold CinePanalo Film Festival at kung babalikan ko ang simula, ‘di ko rin talaga inakala na ang isang konseptong ganito ay buong-pusong susuportahan ng isang grocery chain na minamahal natin, mga Pilipino.


“Nagsimula ang Puregold CinePanalo sa isang malikot na idea. Paano kung gumawa ng film festival ang isang grocery chain?


“Nu’ng unang inilunsad namin ‘to, marami ang ‘di naniwala, marami ang nagduda, marami ang nagtanong kung seryoso ba talaga kami. Pero sumugal ang Puregold. Sumugal sila sa isang festival na noon ay idea pa lamang dahil naniwala sila sa kakayahan at husay ng mga Pilipinong filmmaker. Naniwala sila na ‘pag binigyan natin ng pagkakataon ang mga kuwentong Pilipino, kaya nilang makipagsabayan, kaya nilang tumawid sa mga hangganan at kaya nilang marating ang mga lugar na ‘di natin inaakalang mararating.”


Proud si Sir Chris na after 3 yrs., nakarating na sa ibang bansa ang mga pelikulang galing sa Puregold CinePanalo Film Festival at kinilala sa iba't ibang award-giving bodies.


This year, hinayaan nilang maging malaya ang mga filmmakers kaya tinanggal ang tema.

“Mayroon tayong 19 student short films na may kani-kanyang tinig, pananaw at paraan ng pagtingin sa buhay at pagiging Pilipino.


“Mayroon tayong pitong full-length films na tunay na nakakuha ng panlasa ng ating mga manonood.”


Samantala, kabilang sa Full-Length Category ng Puregold CinePanalo 2026 ang Apol of My Ai, na idinirek ni Thop Nazareno at pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Zion Cruz at Rochelle Pangilinan; Beast, na idinirek ni Lawrence Fajardo at pinagbibidahan ni John Arcilla; Mono No Aware, na idinirek ni BC Amparado at pinagbibidahan nina Juan Karlos Labajo at Perry Dizon; Multwoh (Patay Na Patay Sa ‘Yo), na idinirek ni Rodina Singh at pinagbibidahan nina Sassa Gurl at Joao Constancia; Patay Gutom, na idinirek nina Carl Papa at Ian Pangilinan at pinagbibidahan nina Khalil Ramos, Ian Pangilinan, Agot Isidro at Cris Villanueva; Stuck on You, na idinirek ni Mikko Baldosa at pinagbibidahan nina Xyril Manabat at River Joseph; at Wantawsan, na idinirek ni Joseph Abello.


In fairness, winners talaga ang mga pelikulang kalahok sa Puregold CinePanalo. ‘Di ba naman, Leselle Kohli, ang very accommodating at very charming na festival organizer at media coordinator.




RYZA, PUNIT ANG BALIKAT, TODO-HURT



NAGBAHAGI si Ryza Cenon ng latest update tungkol sa kanyang kalusugan matapos siyang sumailalim sa PRP treatment (Platelet-Rich Plasma treatment) dahil sa punit sa tendon ng kanyang kanang balikat na nagdudulot ng pananakit.

Ani Ryza, “Finally decided to do something about my shoulder pain.


“I was diagnosed with a tear in the tendon on the outer part of my right shoulder, with compression that was causing pain and discomfort. After dealing with it, I decided to try PRP treatment with Doc. Mark of @rehabmed.md.


“Hoping this will help me on my road to recovery and get me back to doing my usual activities with less pain.


“If you’ve been experiencing persistent shoulder, joint, or muscle pain, you may want to have your condition properly assessed and ask if PRP treatment may be suitable for you.”


Anyway, wishing you a speedy recovery, Ryza.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page