top of page
Willie Revillame - FB.jpg

Nag-unfollow sa isa't isa noon… MOIRA, TODO-ASANG MAGIGING FRIENDS ULI SILA NINA SAM, ERIK, YENG AT TJ

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Lucille Galon @Special Article| September 19, 2026



SPECIAL ARTICLE - MOIRA, TODO-ASANG MAGIGING FRIENDS ULI SILA NINA SAM, ERIK, YENG AT TJ_IG _moiradelatorre

Photo: IG _moiradelatorre



Finally ay nagsalita na si Moira Dela Torre tungkol sa naging isyu sa kanila ng ilan sa kanyang showbiz friends, mahigit isang taon matapos mapansin ng mga netizens ang sunud-sunod na unfollowing sa Instagram (IG) na naging usap-usapan online.


Diretsahang tinanong si Moira tungkol dito sa press conference ng kanyang concert na Where It All Started, na gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa October 4, 2026.

Isa sa mga tanong ng reporters ay kung bakit hindi na sila nagpa-follow sa isa’t isa ng kanyang mga kaibigan at kung may nagawa ba siya na naging dahilan nito.


Nagsimula ang isyu noong late January 2025 nang mapansin ng mga netizens na in-unfollow ni Moira ang ilang kapwa artists, kabilang sina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos at TJ Monterde, na pawang talents ng Cornerstone Entertainment.


Naging kapansin-pansin ang timing nito dahil ilang linggo lamang bago nito ay may mga showbiz vloggers na nag-ulat na hiwalay na si Moira sa Cornerstone, na matagal niyang talent management. Gayunman, hindi kinumpirma noon ni Moira o ng agency ang nasabing hiwalayan.


Sa press conference, nang matanong si Moira, nilinaw niya na wala siyang sinabi sa kanyang mga kaibigan na maaaring naging dahilan para i-unfollow siya ng mga ito.

Sey ng singer, “No, I didn’t.”


Itinanggi rin niya na nagsalita siya laban sa kanyang mga kaibigan behind their backs.


“I opened up to a close friend of mine, but I didn’t backstab anyone. Not in that way. I wouldn’t do that. They’re all safe with me. So, it was just one close friend, one. But it wasn’t that way. Not that way,” pahayag niya sa PUSH ABS-CBN.


Inamin naman ni Moira na nagkaroon ng misunderstanding sa pagitan niya at ng dati niyang management na hindi nila napag-usapan nang maayos.


“I know that a lot of the things that happened had something to do with a lot of misunderstandings. And we never got to talk about it,” aniya.


Sa kabila nito, hindi nakalimutan ni Moira na magpasalamat sa kanyang dating management na aniya ay malaking bahagi ng kanyang career.


“And it was with my previous management, whom I’m very, very grateful for. And I wouldn’t be where I am now without them. So I’m very thankful for them,” saad niya.


“And whatever happened between all of that, I would like that to be between us. Because I still believe that, I still love them very much. And I’m very happy for all of their successes,” dagdag pa niya.


Aminado rin si Moira na marami siyang naging kaibigang nawala along the way, pero umaasa siyang hindi naman tuluyang nasira ang kanilang mga relasyon.


“For me, I’m still hopeful that none of us really burned bridges. And a lot of us just need a little bit of time. I think a lot of us just hurt differently. And ako po, I acknowledge that there were things na nagawa ko po when I was hurting na ‘di ko po sinasadya. And there were things na ‘di ko po sila masisisi for how they reacted, and that’s okay,” pahayag ni Moira.

Ngunit, alam daw ng singer na naging genuine ang samahan nila noon.


“But I know that what we all had was real. They’re all good people, and I’m really, really grateful for the memories that we all had and shared,” patuloy niya.


Nilinaw din ni Moira na ayaw niyang isisi sa mga taong nakasamaan niya ng loob ang nangyari.


“‘Wag din po natin alisin sa kanila na nasaktan ko sila. Kasalanan ko po. Kunin na natin ‘yan,” aniya.


“Wala po silang ginawang masama [about] all the unfollowing,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung nagkaayos na ba sila ng mga dating kaibigan, sinabi ni Moira na oo, pero pinili niyang huwag nang magkuwento pa tungkol dito.


“Yeah. But I think it’s just very hard to be in the middle. I just, I don’t wanna say so much,” ani Moira.


Ang sigurado raw siya, gusto niyang maibalik ang pagkakaibigan nila.

“And I’m so hopeful for reconciliation someday,” pahayag niya.


Nagpasalamat din si Moira sa mga kaibigang nanatili sa kanyang tabi sa kabila ng lahat.

Kabilang sa mga binanggit niyang naging sandalan niya ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Angeline Quinto.


Well, nakakaintriga naman kung ano nga ba ang naging dahilan kung bakit hindi na sila friends. For sure, marami na namang mga netizens ang magsasalita at manghuhula kung ano nga ba ang totoong nangyari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page