Wallop sinikwat ang panalo sa 3-YO
- BULGAR
- Oct 30, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 30, 2023
Lubos ang ngiti at saya ng mga tagahanga ni Wallop matapos nitong sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.
Humarabas sa unahan si Word Isn't Enough habang pumuwesto sa pang-apat ang markadong si Wallop na sinakyan ni jockey Andreu Villegas. Pinabayaan ni Wallop ang kakampi niyang si Noble Touch na humabol at lumutsa sa humaharurot na si Word Isn't Enough habang nasa tersero naman si Tulong Geisdaw.
Pagsapit ng far turn at nasa pang-apat pa rin si Wallop subalit papalapit ng home turn ay nagkapanabayan sa pagkuha ng unahan ang magka-kuwadrang sina Noble Touch at winning horse.
Pagdating ng rektahan ay sina Wallop at Noble Touch na ang naglalaban sa unahan at naka-ungos ang una sa huling 15 metro ng karera at nanalo ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Noble Touch.
Nasilo ng winning horse owner na si Leonardo Javier Jr. ang added prize na P20,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.
Kahit dumating na pangalawa ang Noble Touch, ang Brightside pa rin ang magiging forecast sa nanalo Wallop at ang Word Isn't Enough ang titimbang na tersero para sa trifecta.
Samantala, masaya rin ang mga karerista sa walong races na pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).





Comments