WALK-IN CLOSET NI GRETCHEN, SINGLAKI NA NG BAHAY
- BULGAR
- Apr 24, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 24, 2023

Ibinahagi ni Gretchen Barretto ang kanyang walk-in closet sa Instagram niya.
Aba naman, ang travel makeup luggage pa lang nito ay nagkakahalaga na ng P296, 694. 25.
Talagang napaka-luxurious ng walk-in closet ni La Greta!
Aniya sa kanyang Instagram Stories, "This is what happens when we do our spring cleaning for my travel outfits," habang ipinapakita ang dalawang kuwarto na puno ng mga luxurious clothes, shoes at bags.
At may tinatawag pa siyang "salon area" kung saan nakalagay dito ang mga collections niya ng branded luggage gaya ng Louis Vuitton at Goyard.
Ayon sa Louis Vuitton official website, ang presyo ng isang suitcase mula sa kanilang Alzer line ay umaabot sa halagang $9,700 to $10, 300 o nasa P500,510.30 to P531, 469.70 (based on $1-P51.599 exchange rate).
Samantala, ang blue Goyard suitcase naman nito ay nagkakahalaga ng $7,250 or roughly P333, 000 at the time.
May mga mannequins din na makikita sa kanyang walk-in closet, kung saan naka-display naman dito ang mga signature pearl necklaces niya.
Sa gitnang bahagi ng kuwarto ay makikita naman ang chest cabinet, kung saan nandu'n ang kanyang mga designer caps, wallets at lacy bras.
Kinunan din ng video ni La Greta ang mga purse collections niya na nakalagay sa mga cabinet shelves.
Madali nga namang makakapili ng gustong isuot ang aktres kapag may event siyang pupuntahan dahil naka-itemized na ang lahat ng kanyang gamit.
Hindi na rin hassle para kay Gretchen na ibagay sa kanyang mga handbags ang anumang damit na gusto niyang isuot para sa kahit anong okasyon.
May storage rin siya para sa kanyang mga shoe collections, boots and slip-ons to peep-toe heels and sexy sandals.
Nakahiwalay din ang mga winter clothes at maging ang mga white long-sleeved tops niya.
Hindi pa d'yan nagtatapos ang pagpe-flex ni Gretchen sa kanyang mga branded na gamit. May makeup travel kit din siya na Louis Vuitton toiletry case, kung saan doon naka-store ang lahat ng makeup na kanyang kakailanganin kapag siya ay nag-long trips abroad.
Ayon sa Louis Vuitton website, ang isang piece ay nagkakahalaga ng $5,750 o P296, 694.25 (based on $1-P51.599 exchange rate).
Hindi raw makukumpleto ang walk-in closet tour ni La Greta kung walang dressing table, where her go-to makeup, skin care and hair care products were also shown.
May isa pa itong area ng mga cabinets where she piles her designer shirts.
Kung iisipin ang lawak at laki ng walk-in closet ni La Greta, feeling namin, isa na itong bahay na puwede nang tirhan ng isang pamilya, 'di ba?!





Comments