Walang takot ang mga 'tongpats' collector sa pangongolekta gamit pangalan ng NCRPO Chief
- BULGAR

- Jan 4, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 8, 2021
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 4, 2021
BIGTIME DRUG TRAFFICKERS AND DAPAT MABITAY, HINDI MGA SMALL TIME—Talagang desidido si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na ma-death penalty ang mga drug traffickers sa bansa.
Kung maisasabatas uli ang death penalty, sana 'yung mga bigtime drug lords ang "mabitay" kasi baka ang mangyari ay tulad noong PNP (Philippine National Police) chief pa siya (Dela Rosa) na karamihan sa napatay sa "drug war" ay mga small time na sangkot sa droga, period!
◘◘◘
MANRARAKET NA GAMBLING LORDS, ISAMA SA DEATH PENALTY PARA MAY KASABAY ANG MGA DRUG LORDS SA BITAYAN—Sa hindi malamang dahilan, ayaw ng mayoryang lawmakers na isama sa death penalty ang kasong murder, rape at plunder, dahil ang nais lang nilang masalang sa bitayan ay mga drug lords.
Kung ayaw ng mga trapo na may mabitay na murderer, rapist at plunder, kahit sana gambling lords na nanraraket sa mamamayan ay maisama sa death penalty, para naman may makasabay ang mga drug traffickers sa "bitayan," pwe!
◘◘◘
MGA PRECINT COMMANDER NA 'NGANGA' SA ILLEGAL GAMBLING, BAKA MAUMBAG NI GEN. DANAO—Dalawang police precint commander daw sa Pasay City at Parañaque City ang muntik nang umbagin ni NCRPO (National Capital Regional Police Office) Director, Gen. Vicente Danao dahil hindi mapatigil ang illegal gambling sa kanilang nasasakupan.
Dapat hulihin o kaya ipatigil na ng mga precint commander ang bookies ng karera at lotteng nina "Jr." at "Edmon" sa Caloocan City at lotteng nina "Mario" at "Atan" sa Malabon City, "Jun" at "Santa" sa Valenzuela City at "Leody" sa Navotas, kasi kapag nalaman ni Gen. Danao na "nganga" lang sila sa mga ilegalistang ito, eh, baka maumbag sila ng NCRPO chief, boom!
◘◘◘
HATE NI NCRPO GEN. DANAO ANG ILLEGAL GAMBLING, PERO MAY NANGONGOLEKTA GAMIT KANYANG PANGALAN—Noong maitalagang director ng NCRPO si Gen. Danao, agad nagpalabas ito ng direktibang "no-take policy" sa kanyang mga tauhan, na ibig sabihin, malilintikan sa kanya ang sinumang tatanggap ng payola sa mga iligalista.
Ang nakapagtataka lang, sa kabila na may ganitong direktiba si Gen. Danao ay walang takot sina alyas "Madam Reyna" at "Cesar Pilosopo" sa paggamit sa pangalan ng NCRPO chief para makapanghingi ng "tongpats" sa mga ilegalista, period!





Comments