top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Walang sorry sa “sex jokes” ni P-Duterte!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 18, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 18, 2020



PARANG SINABI NI ROQUE NA TAMA LANG HALUAN NG “SEX JOKES” ANG MEETING NG MGA GOV’T. OFFICIALS—Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang plano ang Malacañang na mag-sorry sa “sex jokes” ni P-Duterte habang pinangunguhanan ang pulong sa mga miyembro ng Gabinete at mga opisyal ng Camarines Sur tungkol sa mga sinalanta ng Bagyong “Rolly” at Bagyong “Ulysses” sa Bicol region.


Dahil hindi magso-sorry, parang sinabi na rin ni Roque na tama lang na haluan ng sex jokes ang pulong ng mga gov’t. officials tungkol sa mga sinalanta ng mga bagyo, boom!

◘◘◘

KUNG PULITIKO ANG NAG-DONATE NG BULOK NA BIGAS, IBASURA ‘YAN SA HALALAN—May nag-donate ng bulok na bigas sa mga residenteng biktima ng Bagyong “Rolly” at Bagyong “Ulysses” sa Virac, Catanduanes.


Napakasalbahe naman ng nag-donate ng bulok na bigas kasi biktima na nga ng mga bagyo, inaamag na bigas pa ang idinonate.


Kung pulitiko ang nag-donate niyan, dapat tandaan ng mga taga-Catanduanes ang pangalan niyan at ibasura sa darating na 2022 elections, period!

◘◘◘

GEN. SINAS, HINDI PA NAHAHATULAN NG KORTE, MAY PARDON NA—Muling ipinagtanggol ni P-Duterte si PNP Chief Gen. Debold Sinas kaugnay sa kontrobersiyal na “mañanita” nangyari noong ECQ (Enhanced Community Quarantine).


Ayon sa Pangulo, kapag naging guilty ito sa kaso, agad niyang pagkakalooban ng pardon ang heneral.


Lakas talaga ni Gen. Sinas kay P-Duterte, hindi pa siya nahahatulan ng korte, may pardon na, boom!


◘◘◘


BABAGSAK TALAGA TAX COLLECTION SA CUSTOMS KUNG NAMAMAYAGPAG SA ADWANA ANG MGA SMUGGLERS—May impormasyon na bagsak daw ang koleksiyon ng buwis ng Customs nitong nakalipas na mga buwan ng Agosto, Septyembre at Oktubre 2020.


Dapat pa bang i-memorize na bagsak ang koleksiyon ng buwis ng Customs, eh, mula nang mag-GCQ (General Community Quarantine), may tsismis na nauso ulit ang puslitan ng kargamento ng mga ismagler sa Adwana, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page