Walang serbisyo ng tubig next week... 2.9 M Maynilad customers, apektado
- BULGAR

- Oct 18, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 18, 2021

Aabot sa 2.9 milyong kustomer ng Maynilad Water Services Inc. sa Metro Manila at Cavite ang maaapektuhan ng ilang oras na water service interruptions sa susunod na linggo, kasabay ng pagsasagawa ng flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang advisory ngayong Lunes, ayon sa Maynilad ang pipe realignment para sa DPWH Flood Control Project ay magdudulot ng water supply interruptions na tatagal ng 25 hanggang 85-oras na mula Oktubre 25 hanggang 28, 2021.
Ang mga lugar na makararanas ng pagkawala ng serbisyo ng tubig ay sa Las Piñas; Makati; Manila; Parañaque; Pasay; Bacoor; Cavite City; Imus; Kawit, Cavite; Noveleta, Cavite; at Rosario, Cavite.
Kasalukuyan ding siniserbisyuhan ng Maynilad ang mga kustomer na nasa west zone, gaya ng mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, Valenzuela. Gayundin, ang ilang lugar sa Cavite gaya ng siyudad ng Bacoor, Cavite, at Imus; at ang mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.








Comments