Walang police power ang VP, kaya kumilos na si P-Digong habang pangulo pa siya
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 29, 2021
DAPAT ISAPUBLIKO MUNA NI P-DUTERTE ANG KANYANG SALN BAGO MAGBIDA NA IPAPA-AUDIT NIYA LAHAT NG AHENSIYA NG GOV’T.—Sablay ang ibinida ni P-Duterte na kapag naging VP siya ay io-audit daw niya ang pondo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, pati mismo ang pondo sa kanyang tanggapan at maging ang Commission on Audit (COA).
Nasabi nating sablay kasi matapos niyang ibida ito ay hiniling ng mga netizens na ilalabas muna ang nilalaman ng kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) bago siya mangarap na maging VP at auditor, boom!
◘◘◘
WALANG POLICE POWER ANG VP KAYA ‘PANG-UUNGGOY’ LANG ANG SINABI NI ROQUE NA KAPAG NAGING VP SI P-DUTERTE AY ITUTULOY NITO ANG KRUSADA VS ILEGAL NA DROGA AT KORUPSIYON—Sabi ni Presidential spokesman Harry Roque na kaya tatakbong VP si P-Duterte ay para ituloy ang krusada laban sa ilegal na droga at korupsiyon.
Ang statement ni Roque ay malinaw na pang-uunggoy lang sa mga Pilipino kasi kung ngayon na pangulo ng bansa si P-Duterte, lahat ng law enforcement agency ay nasa kontrol nito bilang commander-in-chief ay hindi nasugpo ang ilegal na droga at korupsiyon, tiyak na mas lalong walang magagawa si P-Duterte kasi ang posisyong VP sa Pilipinas ay walang police power, period!
◘◘◘
NANGANGARAP MAGING ‘GRAFT BUSTER’ PERO SANGKOT SA KATIWALIAN—Kaya pala nag-resign si Atty. Christopher Lloyd Lao sa DBM ay dahil nag-apply ito kay P-Duterte para maging deputy Ombudsman.
Mantakin n’yo, si Lao na nasasangkot sa katiwalian sa pagbili ng overpriced na sangkaterbang facemask na prinesyuhan ng P27 isa gayung P5 lang presyo nito at face shield na prinesyuhan ng P120 isa gayung P10 lang presyo nito, at sa “kumpanya” pang may pekeng address bumili, nag-aambisyon palang maging deputy ombudsman.
Mabuti na lang ibinulgar agad ng COA ang kalokohan nito kasi kung na-appoint itong deputy Ombdudsman, onli in da ‘Pinas lang magkakaroon ng “graft buster” na sangkot sa katiwalian, buwisit!





Comments