Walang permit, ni-raid, pinosasan, huli sa video… JAMES, TAMEME SA PAG-ARESTO SA KASOSYO SA NEGOSYO
ni Julie Bonifacio @Winner | August 10, 2023

Nananatiling tahimik si James Reid sa pagkakaaresto sa business partner niya sa Careless Entertainment na si Jeffrey Oh.
Sa isang event ay nakorner si James for an interview at natanong tungkol sa pagkakaaresto ni Jeffrey pero no comment daw siya rito.
May mga naglalabasan ding tsika sa socmed na pinabubulaanan ang pagkakaaresto ni Jeffrey.
Depensa kay Jeffrey ng ilan, nakaalis na raw ng bansa ang negosyante kaya paano siya aarestuhin?
Ang siste, biglang naglabasan ang video ng pagkakaaresto ng BI personnel kay Jeffrey sa opisina nito sa Poblacion, Makati noong July 28. Ito raw ang nagpatunay na naaresto talaga ang kasosyo ni James ng mga BI personnel at pagkatapos ay ikinulong sa kanilang detention cell after a complaint was filed against him for presenting himself as CEO ng Careless and owner of several restaurants without the necessary visas or permits.
Ang BI spokesperson na si Dana Sandoval ang nag-confirm sa pag-aresto sa Korean-American businessman. Pero baka laya na rin si Jeffrey after niyang mag-bail noong August 4, Biyernes.
Makikita sa video ang pagkagulat ni Jeffrey sa pagdating ng BI personnel sa kanyang opisina.
Tinutulan daw ni Jeffrey ang pagpoposas sa kanya, pati na rin ang pagdating daw doon ng mga taga-media kasama ng mga BI personnel.
Ipinaliwanag naman ng BI personnel na SOP nila ang pagsasama ng media kapag may mga operations sila gaya ng ginawa kay Jeffrey. Proteksiyon daw ito, ‘di lang para sa aarestuhin nila but also for the BI personnel as well.
Nakita rin namin ang hawak ni Jeffrey na blue passport habang kinakausap ang mga taga-BI.
Anyway, sa gulong ito, ang tila binabanatan ng mga netizens ay si Liza Soberano na isa sa mga talents ng Careless at nababalitang karelasyon diumano ni Jeffrey.
“I told you. Budol is real. Nabudol si Liza. Ang tanong, sa career lang ba o pati sa love life?!?!”
“You know you made a wrong move when your new manager gets arrested.”
“Super deny to death pa kayo, ha! Huli ka, balbon! LOL! Pa’no na ang Hollywood ek-ek ni Liza?”
Pero say naman ng isang netizen, iba ang talent agency ni Liza sa Hollywood.
So, there.





Comments