Walang pasok sa SONA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 24, 2026

Photo: File / Office of the President
Suspendido ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa Hulyo 27 kaugnay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, layunin ng suspensyon na mabawasan ang matinding trapiko at abala dulot ng inaasahang road closures sa paligid ng House of Representatives.
Patuloy pa umanong pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan kung magsususpinde rin ng trabaho sa City Hall.
Samantala, nag-anunsyo rin si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Hulyo 27, kaugnay din ng SONA.
Sinabi ng alkalde na layunin ng pagsuspinde na mabigyan ng oportunidad ang mga residente ng Maynila partikular na ang estudyante at mga guro na mapakinggan at mapanood ang SONA ni Pangulong Marcos.





Comments