Walang mga papeles, illegal... BOYFRIEND-MANAGER NI LIZA, HINULI NG MGA PULIS
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 1, 2023

“Ogie Diaz, vindicated ka!” ito ang diin ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute na umere nitong Lunes nang tanghali sa Radyo 5, 92.3 TRUE FM at napapanood sa One PH YouTube channel live.
Ang tinutukoy ni ‘Nay Cristy ay tungkol sa dating talent ni Ogie na si Liza Soberano na lumipat na ng Careless Entertainment na pinamamahalaan ni Jeffrey Oh bilang chief executive officer o CEO at ng aktor na si James Reid bilang founder at presidente.
Napag-alaman na walang karapatang magtayo ng negosyo si Jeffrey Oh dahil isa siyang banyaga. Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nilang Cristy Ferminute kasama si Romel Chika.
Bungad ng CFM host, “Ito po ay nakarating sa akin noong Biyernes, Hulyo 28, na ‘yun pong bagong manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh ay pinuntahan ng mga alagad ng batas sa kanyang opisina sa Poblacion, Makati. Inakyat siya roon ng mga otoridad dahil may mga reklamo laban sa kanya.
“Alam mo ba?" sabi ni Nanay Cristy kay Romel, "Baka ipa-deport itong Jeffrey Oh, haharap siya sa deportation. Papaano, hiningi ang mga dokumento sa kanya, wala pala siyang mga papeles na nagsasabi at nagbibigay ng kalayaan sa kanya to operate business in the Philippines. Wala rin siyang SEC registration, wala!
“Ang lakas-lakas ng (loob) na minanage-manage si Liza at ang iba pa, wala ka naman palang dokumento para ipakita na may kalayaan kang magnegosyo rito sa Pilipinas, grabe! Nakakaloka!”
Say ni Romel Chika, “Nakakaloka naman ‘yan.”
Nitong Biyernes, Hulyo 28 daw nahuli si Jeffrey Oh na sa opinyon ni ‘Nay Cristy ay may nag-setup dito.
Sa kasalukuyan ay naka-detain daw ang Careless Entertainment executive sa Bureau of Immigration Bicutan Detention Center.
Nagtanong naman kami sa source namin kung may kinalaman ba ito sa isyu na tinanggihan ang bail na inihahain daw ni Jeffrey Oh.
Nasambit din ni Nanay Cristy na isa sa mga nagrereklamo kay Jeffrey Oh ay ang ama ni James na si Ginoong Malcolm Reid na nangangasiwa sa kinikita ng anak simula pa nang magsimula ito sa kanyang showbiz at singing career.
Sabi ni ‘Nay Cristy “Hulaan mo, sa dami ng nagrereklamo (ay), isa pala ang tatay ni James Reid laban dito kay Jeffrey Oh dahil ‘yung pera ng anak niya na parang sosyo sila, ‘di ba, hindi nakakarating kay James Reid ‘yung kaukulang pangako na perang ibibigay ng partner, parang ganu’n. Hayan na, sila na mismo ang nag-away-away.
“Itong si Jeffrey Oh, ginawa pa tayong sinungaling, ‘di ba, sabi niya, ‘Mga sinungaling kayo!
Kampi lang kayo kay Ogie Diaz at sa ABS-CBN that you keep on telling that we’re wrong,’ mga ganu’n pa. Oh, sino ang wrong ngayon?
“Minanage mo si Liza, pinapaniwala mo si Liza na matutupad mo ang kanyang Hollywood dream, wala ka naman palang SEC registration at wala ka naman palang karapatang magnegosyo rito sa Pilipinas dahil banyaga ka!”
“Naku, eh, paano ngayon ‘yan, Nanay, si Liza? Ano na ngayon ang mangyayari?” tanong ni Romel Chika.
Isa pang pinasabog ng manunulat at online host ay, “Ang balita ay wala na talaga si Liza at saka si Quen (Enrique Gil), although nagpupunta pa rin si Quen sa bahay nina Liza kahit wala siya. Dahil ang balitang-balitang karelasyon ni Liza ay itong Jeffrey Oh na ‘to! Kung si batang Maynila ‘to, ito ang magsasalita, ‘Itong tolonges na ‘to.'”
Sabi rin ni Romel Chika, “At hindi lang ngayon natin narinig ‘yan, huh! Noon pa, nu’ng lumabas si Jeffrey Oh dito sa Pilipinas.”
“Totoo, ‘di ba? Kung anu-anong mga interviews ang itinuturo kay Liza. Ito namang si Liza, kung anu-anong salita (na) kawalan ng utang na loob ang pinakawalan kay Ogie Diaz at saka sa ABS-CBN at sa love team nila ni Quen, kasi ‘yan siguro ang itinuro ng Jeffrey na ‘to!
“Oh, ngayon, ano’ng mangyayari, ipapa-deport ka? Haharap ka sa deporation ngayon dahil wala kang karapatang magnegosyo rito sa aming bayan. Tapos, ang lakas ng loob mong magpaniwala ng mga personalidad na madadala mo sila sa Hollywood.
“Ewan ko, I’m sure, nagkasira na ‘yan!” pahayag ni Nanay Cristy.
Kaya sabi ng CFM host, “Ogie Diaz, vindicated ka!”
Bukas ang BULGAR sa panig ni Jeffrey Oh.





Comments