top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Walang manok sa presidential election ang ruling party?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 16, 2021


WALANG NAGMARKA SA MGA PINOY NA NAGAWA NI MAYOR SARA SA DAVAO CITY NA PUWEDE NIYANG GAWING SA BUONG ‘PINAS—Ang Agila ay uri ng ibon na may kakayahang lumipad nang mataas, kung kaya’t ang ibon na ito ay ikinukumpara minsan sa taong may mataas na pananaw.


Kaya’t ang tanong: Ano ang mataas na pananaw ni Mayor Sara na ginawa niya sa Davao City bilang matagal na panahong naging alkalde ang puwede niyang gawin sa buong Pilipinas sa pagsabak niya sa vice-presidential race para ituring siya ng mga DDS na Eagle of the South.


Sa totoo lang, walang maisip ang mga Pinoy na nagawa ni Mayor Sara sa Davao City na puwede niyang gawin sa buong bansa, at ang tanging nagmarka lang sa isipan ng mamamayan ay ang “bully of the the south” o ‘yung pambu-bully at panggugulpi niya sa matandang court sheriff na nagpapatupad lang ng batas sa Davao City, period!


◘◘◘


NGAYON LANG NANGYARI NA ANG RULING PARTY AY WALANG MANOK SA PRESIDENTIAL ELECTION—Tuluyan nang iniatras ni Sen. Bong Go ang kanyang kandidatura for president nang isumite sa Comelec ang withdrawal ng kanyang candidacy for president.


Dahil d’yan, wala nang panlaban sa presidential race ang ruling party na PDP-Laban, at sa kasaysayan ng Pilipinas, ngayon lang nangyari na ang mismong partido ng pangulo ay walang manok sa presidential election, saklap!


◘◘◘


KAPAG NI-REJECT NG SUPPORTERS NI BONG GO ANG KANDIDATURA NI MAYOR SARA, BAKA MAUNSIYAMI PANGARAP NIYANG MAGING VP—Sa pag-atras ni Sen. Bong Go sa laban sa presidential o VP race ay nag-post at nag-comment ng kanilang galit kay Mayor Sara ang mga supporters ng senador.


May punto namang magalit ang mga Bong Go supporters kay Mayor Sara kasi kung hindi umeksena for VP si Mayor Sara, ang ganda sana ng laban ni Sen. Bong Go sa VP race kasi sa mga survey ay silang dalawa ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto ang nagpapalitan sa number 1 ranking.


Kaya’t huwag pasisiguro si Mayor Sara na lamang siya sa laban sa VP race kasi kapag ibinasura ng mga Bong Go supporters ang kanyang kandudatura ay malaki ang maibabawas niyan sa kanyang boto na magresulta upang maunsiyami ang pangarap niyang maging VP ng ‘Pinas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page