top of page

Walang make-up sa shooting… MARIS, SINABIHAN NG FAN NA HAGGARD, NA-HURT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 18, 2025



Photo: Maris Racal sa Sunshine - YT Trailer


Tinawanan na lang at hindi naman napikon si Maris Racal sa isang bystander na nagsabing mukha siyang haggard habang nagsu-shoot sila ng pelikula niyang Sunshine.


Kuwento ng aktres sa YouTube (YT) vlog na Ang Walang Kwentang Channel (AWKC), nag-shoot sila sa isang crowded place at hindi naman daw kasi alam ng mga tao na nagsu-shoot na sila ng pelikula.


“Kasi ang lalayo ng camera na inilalagay ni Direk (Antoinette Jadaone) para hindi mapansin ng mga tao na may shooting. Tapos, naglalakad lang ako (sa crowded place).

“So, anything goes, ‘di ba? ‘Pag nag-action na, gawin mo lang ‘yung kailangan mong gawin,” dagdag niya.


Pero may isang babae raw na naglalakad na nakakilala sa kanya.

“‘Si Maris Racal ba ‘yun?’ Sabi n’ya, ‘Hala, ang haggard n’ya pala!’ ‘Tapos, ‘di namamansin!’” natatawang tsika ni Maris.


Tawa rin nang tawa si Direk Tonet na nasa tabi niya sa kuwento ni Maris.

Natatawang biro pa ng aktres, “Parang nasaktan ako nu’n, medyo humapdi ang heart ko.”

Haggard ang hitsura ni Maris dahil ‘yun talaga ang kailangan sa eksena plus no make-up pa siya. 


Of course, hindi alam ni ate girl na nakakilala sa kanya na nasa shooting din siya nang sandaling ‘yun.


Paliwanag naman ni Direk Tonet, “Kasi nga, para nga hindi makita ng mga tao na shooting, so malalayo ang camera, tapos, mahaba ang lente.”


Anyway, kahit mabigat daw ang tema ng Sunshine, sey ni Maris ay sobrang happy siya habang isinu-shoot ito dahil naging safe space niya ito during that time.


Nakabangon na matapos ma-scam…

RABIYA, MAY DREAM HOUSE NA, BIBILI PA NG 1 PARA SA MADIR


NAKABAWI na si Rabiya Mateo matapos siyang ma-scam last year sa isang investment na kanyang pinasukan. Sa ngayon ay nakabili na siya at nakapagpa-renovate ng kanyang bagong bahay.


“I was able to buy and renovate my dream house sa Sta. Rosa, Laguna,” pahayag ng beauty queen-actress sa panayam sa 24-Oras.


“I need to start from scratch, but God is so good,” masaya pa niyang wika.

At hindi lang isa ang bahay na balak bilhin ni Rabiya kundi dalawa – isa para sa kanya at isa para naman sa ina.


“Frustration namin nu’ng maliit ako, para kaming ‘no permanent address,’ we would transfer from one place to another kasi we can’t afford to pay rent,” pagbabahagi niya.


Talagang ginastusan daw nang husto ng Kapuso actress ang renovation at nag-hire pa ng interior designer. Pinayuhan nga raw siya ng kanyang mama na maging praktikal.


“Dream house ko s’ya, eh. Kaya ako nagwo-work very hard sa showbiz kasi I want to achieve a lot of good things in life. Isa na ‘to,” sey niya.


Matatandaang noong June 2024 ay ini-reveal ni Rabiya na nawalan siya ng almost a million dahil nagtiwala raw siya sa isang close friend at nag-invest kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang nature ng business. It turned out to be a scam at hindi na naibalik pa ang kanyang pera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page