top of page

TV host pa mismo ang nag-test drive… 10 MINIBUSES, PA-LIBRENG SAKAY NI WILLIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 2, 2026



Rabiya at Jake Cuenca - Instagram

Photo: Instagram / Bea Alonzo



May handog na libreng sakay si Willie Revillame sa mga commuters na namomroblema sa pagsakay ngayong kulang ang public utility vehicles dahil sa pagmahal ng presyo ng gasolina. 


Ini-launch ni Willie ang Wilyonaryo Libreng Sakay kung saan ten minibuses ang gagamitin para sa publiko.


Si Willie pa mismo ang nag-test drive sa mini-buses sa harap ng Will Tower. Ipinost ito ng anak niyang si Meryll Soriano at bumiyahe si Willie at marami ang sumakay. 

Tuwang-tuwa ang mga tao na makitang si Willie ang driver ng minibus na kanyang minamaneho, at may traffic enforcer pang binigyan niya ng jacket.


Post ni Meryll, “IN THE JOURNEY OF LIFE, WE ARE YOUR COMPANION! That’s why we present to you #WilyonaryoLibrengSakay!


“With the cooperation of Kuya Will and his friends, 10 minibuses will be on board to transport you without thinking of a problem. Free. Free of charge. Just smile, it’s enough! In times of need to help, we are here, you can count on us. Thank you so much LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) and Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) for your acceptance and support.”


Hindi nabanggit kung saang route ang tatakbuhin ng 10 minibuses. Malalaman naman na sponsored ni Willie ‘yun dahil may nakasulat na Wilyonaryong Libreng Sakay

Kaya sa mga madadaanan, sakay na!


Ang proyektong ito ay sa pakikipagtulungan ni Willie sa LTFRB at MMDA at kasama niya rito ang ilang kaibigan. 


Sa Caloocan nag-test drive si Willie Revillame at ibinalitang pagkatapos noon, ite-turn-over na sa LTFRB ang mga sasakyan.





PAHINGA muna sa paggawa ng teleserye si Ruru Madrid, isang historical movie muna ang kanyang gagawin. 


May pamagat na Los Salvajes Bravos (LSB) ang project ng JesCom Films sa direction ni Paolo Dy.


Sa storycon photos, makikita ang kasama sa cast ni Ruru na sina Michael de Mesa, Christian Vasquez, Arnold Reyes, Michael Roy Jornales at Romnick Sarmenta. 


Different Ruru raw ang mapapanood sa movie na exploration of Philippine history. Historical drama ang movie at tungkol sa 1887 Igorot expedition to Madrid at ang exploitation sa kanila at paggamit sa kanila bilang colonial exhibits. 


May nagtanong agad kung Igorot ba ang magiging role ni Ruru at kung magsusuot ba siya ng traditional costume ng mga Igorot na bahag.


Anyway, may pagka-action siguro ang film project kaya pala kahit walang TV series, tuluy-tuloy ang training ni Ruru sa Filipino martial arts. Paghahanda na rin siguro niya iyon sa pagbibidahang Hari ng Tondo (HNT).





Kesa partner ni Echo… FANS, MAS GUSTONG KONTRABIDA SA SERYE SI JANINE



MASAYA ang mga shippers nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa balitang bida sila sa bagong Kapamilya teleserye. 


Spotted sila sa Iloilo habang nagte-taping sa hindi pa ipinapaalam na title ng teleserye.

Makakasama nila si Yen Santos na pagbabalik yata ng aktres at muling pag-a-active sa telebisyon. 


Ang wish ng mga fans, para maiba lang, sana si Janine ang kontrabida sa story at si Yen ang bida para makita nila kung paano maging kontrabida si Janine at kung paano nito aatakihin ang role.


Pakiusap pa ng mga fans nina Janine at Jericho, sana, hindi kabit serye ang gagawin nila at hindi ang karakter ni Jericho ang pag-aawayan ng mga karakter nina Janine at Yen. 

Sana ay ibahin ang story para walang mga negatibong comments ang mga viewers. 

Mahuhusay na artista ang dalawa kaya deserve nila ng mas may fire na story at script at bonggang linyahan.





HUMANGA ang mga nakapanood sa reels ng training ni Kylie Padilla para sa action series ng GMA Network na Firewall


Paano naman, training pa lang, ang husay na ni Kylie na pati si Director Rico Gutierrez ay napa-comment ng “Hanep.”


Tama ang comment ni Iza Calzado na “You were made for this,” na sinundan ni Chynna Ortaleza ng “Yes, the one and only,” at ni Iya Villania ng “Ooooo, yeeeeeah! There she is!”


May fan na nag-comment na about time for the country’s entertainment industry at GMA na rin na mag-invest kay Kylie Padilla. Sayang daw ang husay nito sa action kung hindi naha-highlight nang husto.


May mga requests sa GMA na ilagay sa Netflix ang Firewall para mapanood hindi lang ng mga Filipino viewers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page