Kung kay Kathryn, nasasakal daw… KARLA: DANIEL, KALMADO NA NANG MAGING GF SI KAILA
- BULGAR

- Apr 2
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 2, 2026

Photo: Kaila Estrada at Daniel Padilla / File
Inamin ng Queen Mother na si Karla Estrada na mas kalmado at mas balanced si Daniel Padilla a.k.a. DJ dahil sa girlfriend nitong si Kaila Estrada.
Aniya, “Kaila brings out a softer, more balanced side of DJ. She gives him calmness and a sense of stability.”
Mahabang komento ng isang netizen, “Is this what a mature woman and a mother should say in public knowing fully well that netizens will take it for different opinions? Are you saying your son’s ex never gave him peace of mind or is it your son who is insecure about his ex-girlfriend since she is brave, hardworking, famous and rich? When did Kaila and your son start dating that you felt she brought this new side of him? What if your son has decided to change because he has realized his mistake in his previous relationship?
“Remember again, Ma’am Karla, the constant thing in life is change. You are yet to know Kaila’s bad side. No human being is perfect. Your precious son is a man and not a woman. Stop taking sides simply because your son helped you come out of poverty,”
Tila hindi naman kumbinsido ang ibang KathNiel fans na hindi pa rin maka-move on sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn Bernardo.
“Sa una lang ‘yan.”
“Siguro, dahil mas in love si Kaila kaya may sense of stability.”
“S’yempre, ‘pag kay Kath, matatakot s’ya dahil maraming nag-a-admire kay Kath. Eh, s’ya, ‘yung bago n’ya ngayon?”
“Natural lang na maging kalma si Daniel. Wala pa naman s’yang maraming pelikula at ‘di pa hectic ang schedule n’ya, ‘di katulad nu’ng sila ni Kathryn na laging may pagtatambalan. ‘Pag busy ka naman, ewan ko na lang kung ‘di ka maging agitated.”
“It’s because he matured already.”
“S’yempre, natuto na si DJ, baka iwan na naman s’ya kaya ngayon, nagpapakatino.”
“Kita mo naman kung paano nag-mature si Daniel. Ibang-iba ang aura n’ya ngayon. Dati, ‘di ko s’ya masyadong gusto pero ngayon, gusto ko na ang KailaNiel, kinikilig ang senior.”
“Kaila is very classy and smart. ‘Di s’ya nag-judge sa kung ano’ng past ni DJ. Deserve nilang maging masaya. Kaya sa mga bashers d’yan, makisama na lang kayo.”
“Yes, marunong magdala si Kaila Estrada ng relationship. She’s really brilliant, talented, nice, great and beautiful.”
“Kasi ‘di hinihigpitan ni Kaila si Daniel sa kung ano ang gusto nitong gawin, ‘di tulad dati na parating may bantay kahit magkasama na sila. Medyo nakakasakal ang unang relasyon ni Daniel, masyadong selosa kasi ang nauna, ‘di tulad ngayon na matured mag-isip si Kaila kumpara kay Kathryn.”
Ganern? Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?
REUNION teleserye pala nina Jericho Rosales at Yen Santos ang project na gagawin nila. Kasama pala ang aktres sa pagbibidahan ng celebrity couple na sina Janine Gutierrez at Echo na kasalukuyang nasa Iloilo at nagte-taping.
Nagkasama sina Echo at Yen sa pinag-usapang teleseryeng Halik noong 2018.
Sey ng mga netizens:
“Nakaka-miss si Yen sa teleserye.”
“Wow! Nice naman na tandem again, EchoNine. I’m so excited, kailan kaya namin mapapanood.”
“The Accused is pushing through na. Buti naman, dapat ay last year pa ‘yan, eh. Halik and Dirty Linen combination, ah. Sino kaya ang casting nito? At ano’ng unit department kaya ‘to? Dreamscape? Star Creatives? RCD? Or JRB? Exciting.”
“‘Di talaga pinapabayaan ni Echo si Yen. Kahit nu’ng ‘di pa bida si Yen, may mga palabas na kasama n’ya si Echo.”
“Wow, maganda ‘to. Puksaan ‘to.”
Bongga!
Aktor, kaya belong sa pamilya Atayde…
ZAIJIAN AT GELA, MATAGAL NA RAW MAGDYOWA
ANG daming nagtatanong kung bakit nakasama sa picture ng Atayde family ang aktor na si Zaijian Jaranilla.
Dahil sa intimate gathering ng pamilya, hindi napigilang umugong ang intriga online. Noon pa naman ay marami na ang nagtatanong kung si Zaijian ba ang rumored boyfriend ng anak ni Sylvia Sanchez na si Gela Atayde.
Dahil sa kanyang pagdalo sa wedding anniversary ng parents ni Gela na sina Sylvia at Papa Art Atayde, lalong tumindi ang usap-usapan na malapit na ang aktor sa pamilya ng dalaga.
Ayon sa isang netizen na nagkomento, “Matagal na silang magdyowa ni Gela, ‘di
lang nila ipina-public.”
Anyway, wala namang problema kung sina Gela at Zaijian ay may relasyon na. They are both single at parehong hindi nasasangkot sa mga intriga.
Kilala rin si Zaijian na napakabait, at si Gela ay napaka-down-to-earth, lalo na sa friends ng mommy niya, kaya swak ang relasyon nila kung meron man.




Comments