Kahit saan magpunta, asar-talo ngayon… SOFIA, NA-WOW MALI KAY JEFF CANOY, TINATAKAN NA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | April 2, 2026

Photo: Sofia Andres - Instagram
Kalat na kalat ngayon sa social media ang beach photos ni Sofia Andres, at walang kupas ang kaseksihan ng aktres!
Sa kanyang Instagram (IG), ipinakita ni Sofia ang kanyang toned body habang umo-aura sa tabing-dagat, dahilan para bumaha ng papuri mula sa mga netizens.
Pero hindi lang ang kanyang alindog ang pinag-uusapan, may bonus chika pa.
Sa gitna ng mga komento, may pabirong hirit na talaga namang ikinatuwa ng marami, “GRABE ka, Jeff Canoy, hindi ikaw ‘yan!”
Flashback, mga Mare!
Matatandaang minsan nang nag-guest anchor si Sofia sa TV Patrol, kung saan nagkaroon siya ng nakakatawang blooper.
Sa kanyang ending spiel, imbes na sarili niyang pangalan ang banggitin, napasambit siya ng “Jeff Canoy?” na para bang naguguluhan pa.
HINDI lang sa stage nagpa-wow ang BINI, kundi pati sa basketball court, nagpasiklab ang ating mga beshie!
Mukhang lagare ang girl group sa Los Angeles, California, USA. Habang nakatakda kasi silang mag-perform sa Coachella mula April 10 hanggang 17, nakita rin sila sa Intuit Dome sa LA, sinusuportahan ang laban ng LA Clippers laban sa Portland Trailblazers sa Filipino Heritage Night.
Sa kanilang Facebook post, masayang-masaya ang BINI sa experience na ito.
Ayon sa girl group, “Sweet as honey, what an experience! Maraming salamat to the Filipino community for all the love and support!”
Bukod sa kanilang pagiging present sa event, namangha rin ang mga fans sa kanilang blooming looks.
May ilang nagbago ng hairstyle, tulad ni BINI Colet na nag-blonde, at ni BINI Stacey na girl na girl sa kanyang pink na hair color.
Maraming fans ang hindi nakapagpigil sa paghanga, at nakaabot pa ito sa X (Twitter).
“She really slayed the pink hair, bagay na bagay!” komento ng fan.
At siyempre, hindi lang puro sports vibe ang hatid ng BINI. Magpapasiklab rin sila sa Grammy Museum’s Global Spin Live sa April 21 para i-promote ang kanilang bagong extended play na Signals.
Kaya, mga Mare, mukhang may secret LA adventure pa ang BINI bago sila bumalik sa ‘Pinas. For sure, aabangan ng mga fans ang bawat galaw ng girl group sa LA!




Comments