Walang makatagal na lalaki… BARBIE, SOBRANG SELOSA KAYA INIWAN NI DIEGO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 5, 2022

Para sa amin, ang cheap-cheap ng pag-aaway ni Barbie Imperial at ng sexy Viva star na si Debbie Garcia dahil lang sa isang lalaki!
Hanggang ngayon pala, kahit na break na sila ni Diego Loyzaga ay selos na selos pa rin si Barbie sa mga babaeng nauugnay sa ex-BF. Kahit na sinong babae na maging kaibigan ni Diego ay kanyang sinisita at inaaway.
Hindi makakabuti sa showbiz career ni Barbie Imperial ang kanyang pagkakaroon ng NEGA image. Sayang na sayang ang magandang oportunidad kung hindi siya magbabago.
Hindi na niya maibabalik pa ang dating relasyon nila ni Diego Loyzaga. Tuluyan nang na-turnoff sa kanya ang aktor.
Naging traumatic para kay Diego ang panahon na sila ay magkarelasyon. Puro away at selos ang nangyari kaya kumalas na nang tuluyan si Diego kay Barbie.
Kapag hindi nagbago ng ugali ang aktres, tiyak na walang magtatagal na boyfriend sa kanya.





Comments