Walang makain, dumami — SWS
- BULGAR

- May 14
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 14, 2026

Photo: File
Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary hunger” sa unang bahagi ng 2026, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31 sa pamamagitan ng house to house interview sa may 1,500 households sa buong bansa, umakyat sa 23.2 porsyento ang antas ng gutom mula sa 20.1 porsyento noong Nobyembre 2025.
Ayon sa SWS, ang “involuntary hunger” ay tumutukoy sa mga pamilyang nakaranas ng gutom at walang makain kahit minsan sa nakalipas na tatlong buwan.
Ito na ang pinakamataas na naitalang hunger rate mula noong Marso 2025 kung saan pumalo ito sa 27.2 porsyento.
Sa apat na pangunahing rehiyon ng bansa, pinakamataas ang naitalang gutom sa Visayas na may 28%, sinundan ng Luzon sa labas ng Metro Manila na may 22.4%, Metro Manila na may 22%, at Mindanao na may 21.7%.
May margin of error na ±3 porsyento ang survey para sa national percentages.
Samantala, ±6 porsyento naman ang margin of error sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, habang ±4 porsyento sa Luzon sa labas ng Metro Manila.





I really enjoy how easy it is to control the character in Ragdoll Drop. The gameplay is relaxing but still exciting at the same time.