top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 27, 2024




Lumabas sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 45% sa mga Pinoy ang naniniwalang walang pagbabago sa kanilang buhay sa nagdaang 12 buwan.


Ayon sa resulta ng survey mula Disyembre 8 hanggang Disyembre 11, 2023, 30% na mga Pinoy ang naniniwalang gumaan ang kanilang buhay habang 25% naman ang nagsasabing lumala ang kanilang estado.


Tinawag na "gainers" ng SWS ang mga naniniwalang umayos ang kanilang buhay at "losers" naman ang mga nagsasabing mas sumama ang kanilang kalagayan.


Nagbigay naman ng "high" na net gainers score o dagdag na 5 puntos ang naging resulta ng survey, mas mataas ito ng 7 puntos kumpara sa -2 nu'ng Setyembre 2023 ngunit anim na puntos na mas mababa kaysa sa napakataas na +11 nu'ng Hunyo 2023.

 
 

ni BRT | May 9, 2023




Limampu't isang porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing na mahirap, ayon sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).


Sa 1,200 Filipino adults na naitala 51% ang nagsabing nire-rate nila ang kanilang sarili bilang mahirap.


Tatlumpu’t isang porsyento ang nagsabing sila ay nasa borderline poor habang ang isa pang 19% ay nagsabing hindi sila mahirap.


Sinabi ng SWS na ang tinatayang bilang ng mga self-rated na mahihirap na pamilya ay nasa 14 milyon noong Marso 2023, mas mataas mula sa 12.9 milyon noong Disyembre 2022.


Dagdag dito mas maraming Pilipino sa Metro Manila at Visayas ang nag-rate sa kanilang sarili na mahirap noong Marso.


Ang mga self-rated poor ay tumaas sa Metro Manila mula 32% hanggang 40% at sa Visayas mula 58% hanggang 65%.


Gayunpaman, bumaba sa Luzon mula 49% na naging 43%. habang sa Mindanao ay mula 59% hanggang 62%.


Sinasabi umano ng mga pamilya na mahirap sila kapag mataas ang inflation rate lalo na ang food inflation.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 16, 2021



Nasa 11.9 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho nitong Setyembre, base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).


Bumaba ang bilang nito kumpara sa 13.5 milyon noong Hunyo 2021.


Ayon sa SWS, naitala sa 24.8% ang adult joblessness nitong Setyembre kumpara sa 27.6% noong Hunyo.


Gayunman, kung ikukumpara noong 2019, na wala pang COVID-19 ay mas mataas pa rin ng limang porsiyento ang bilang ng mga walang trabaho.


Sa Visayas naman, bahagyang tumaas ang bilang ng mga walang trabaho kung saan mula sa 21.3% noong Hunyo ay umangat sa 22.6% nitong Setyembre.


“In rural areas, joblessness fell from 25.3% in June to 20.0% in September. The survey also showed that joblessness dropped sharply among elementary graduates, from 31.5% to 18.7%," ayon sa survey.


Ginawa ang survey noong September 12 to 16, 2021, na may face-to-face interviews sa 1,200 adults (18 years old and above) sa buong bansa--na binubuo ng tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page