top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Walang maayos na solusyon sa epekto ng bagyong Odette ang pamahalaan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 24, 2021



UNTI-UNTI nang lumalantad ang lagim na dulot ng Bagyong Odette.


At walang maayos na solusyon dito ang pamahalaan!


◘◘◘


ANG dispalinghadong serbisyo ng telecoms ay nananatiling problema.


Nambobola lang ang mga loko!


◘◘◘


MAGING ang serbisyo ng elektrisidad at malinis na suplay ng tubig ay nananatiling hindi nasosolusyunan sa panahon ng kalamidad.


Maging ang evacuation center ay nananatiling panganib!


◘◘◘


SOBRA-SOBRA ang pondong inilaan sa COVID crisis, pero sa tradisyunal na kalamidad tulad ng bagyo ay nananatiling kapos.


Hanggang ngayon, napag-iiwanan ng maayos na datos ang NDRRMC gayung ubod nang yayabang kung mag-ulat!


◘◘◘


SA aktuwal, lampa at inutil ang disaster response ng gobyerno.


Hindi ito pinagbubuti pero ginagastusan ng limpak-limpak na salapi!


◘◘◘


ANG DILG at pulisya ay mayroon dapat sapat na bilang ng mga rescue helicopter.


Dapat magkaroon ng tig-1,000 units ng rescue helicopter ang PNP, DILG at AFP.


‘Yan ang tunay na paghahanda sa kalamidad!


◘◘◘


ANG lahat ng probinsiya ay mayroon dapat naka-install na satellite signal para sa komunikasyon sa panahon ng kalamidad.


Dapat nasa ilalim ng control n NDRRMC ang satellite system.


Bakit walang ganyang proyekto at programa?


◘◘◘


NORMAL lamang ang pagdating ng kalamidad.


Pero, bakit hindi normal ang rescue at relief operation?


Isa itong kamangmangan na walang lunas!


◘◘◘


MAINAM at umatras sina P-Digong at Sen. Bong Go sa pagkandidato.


Makakapag-concentrate sila sa pagsaklolo sa mga biktima!


◘◘◘


KALAHATI ng populasyon ng Visayas at Mindanao ay malinaw na walang Pasko-Pasko.


Sino kaya ang iboboto ng mga biktima ng kalamidad?


◘◘◘


LAHAT ng munisipyo at siyudad o mas maganda lahat ng barangay, dapat magkaroon ng “emergency power supply center”.


Ang power supply center na ito ay dapat naglalaman ng mga generator at solar panel na magagamit sa panahon ng kalamidad.


‘Yan ang dapat pagtutunan ng badyet?


◘◘◘


HINDI dapat umaasa ang mga barangay at siyudad sa serbisyo ng Meralco at electric cooperative — dahil nawawalan sila ng silbi sa panahon ng kalamidad.


Ganyan din dapat sa suplay ng malinis na tubig.


Dapat magkaroon ang lahat ng barangay ng “emergency deepwell system” na mapagkukunan ng libreng tubig!


◘◘◘


ANG emergency power supply center at emergency deepwell system”, dapat nasa ilalim ng control ng NDRRMC.


‘Yan ay mga epektibo at aktuwal na proyekto na dapat pinopondohan, pero bakit hindi nila ginagawa.


Siyempre, ‘yan ay dahil sa tonto at mangmang ang mga inihahalal ng mga bopol ding mga botante!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page