top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Walang linaw kung hanggang kailan ang krisis, 'di rin tiyak kung matatapos pa ang korupsiyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 29, 2021



Birthday ni P-Digong bukas.


Kaya pala sarado ang mga kalye!


◘◘◘


MAKATAPOS kaya ng termino si P-Duterte sa 2022?


'Yan ang tanong ng mga anti-Digong!


◘◘◘


MAY nagtatanong, papayagan din daw ba na makapagmotorsiklo ang mga bumbay sa ECQ?


Puwede 'pag magpapa-renew ka!


◘◘◘


NATAMEME ang isyu sa overpriced ng karne.


Walang demand sa panahon ng lockdown!


◘◘◘


MALABO na ang face-to-face school.


Miss na miss na ng anak ko ang titser niya at ang “baon”!


◘◘◘


WALA nang patupada si Hepe.


Online na lang ni Ka Atong!


◘◘◘


WALA nang salto ang PNP ngayon.


Mainam naman!


◘◘◘


PANG-VP lang daw si Pacquiao.


Pwes isigaw: for vice-president si Mommy D!


◘◘◘


SINO raw si Lady G sa online gambling?


Aba, ewan ko!


◘◘◘


WALANG linaw kung kailan matatapos ang krisis.


Wala na ring katapusan ang korupsiyon sa gobyerno!


◘◘◘


NAKAPAGTATAKA na walang humihingi ng salary increase ngayon.


'Yung nagpoprotesta kasi ay kahit salary, wala!


Inutil din ang DOLE sa mga biglang sinisibak na obrero!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page