Walang “K” mang-checkup o manggamot ang sinuman kung hindi lisensiyadong doktor
- BULGAR

- Sep 1, 2020
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 1, 2020
Dear Chief Acosta,
Tinuruan akong manggamot ng aking mga magulang gamit ang mga halamang-gamot. Maikokonsidera ba na pagpapraktis ng medisina ang pagtingin ko sa mga taong may sakit kahit wala naman akong tinatanggap na anumang kabayaran para rito? – Agnes
Dear Agnes,
Para sa inyong kaalaman, sang-ayon sa Seksiyon 10 ng Republic Act No. 2382, o mas kilala bilang “The Medical Act of 1959” na:
“Section 10. Acts Constituting Practice of Medicine. A person shall be considered as engaged in the practice of medicine:
(a) who shall, for compensation, fee, salary or reward in any form paid to him directly or through another, or even without the same, physically examine any person, and diagnose, treat, operate or prescribe any remedy for human disease, injury, deformity, physical, mental, psychical condition or any ailment, real or imaginary, regardless of the nature of the remedy or treatment administered, prescribed or recommended; xxx” (Binigyang-diin)Sa inyong sitwasyon, kahit na kayo ay hindi tumatanggap ng kahit anong kabayaran, hindi kayo maaaring tumingin at manggamot ng mga taong may sakit kung kayo ay hindi lisensiyadong doktor.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments