Walang iwanan sa muling pagbangon bilang mas matatag na bansa!
- BULGAR
- Nov 12, 2021
- 3 min read
ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo |November 12, 2021
Sa mundo ng pulitika, maraming pangyayari na hindi inaasahan, at marahil ay mahirap maintindihan. Tanging tadhana lang ang makapagsasabi kung saang landas tayo dadalhin.
Gayunman, isa lang ang ating sinisiguro, at iyon ay ang panata sa inyong lahat na walang tigil tayong magseserbisyo.
Forty days na ang nakalipas nang tayo ay mag-file bilang kandidato sa pagka-Bise Presidente.
Buo ang ating loob na ipaglaban ang karapatan ng mahihirap at walang ibang matakbuhan. Hindi natin sasayangin ang oportunidad at tiwala na ibinigay ng taumbayan dahil iisa lang ang ating hangarin — ang makatulong at makapagsilbi sa kapwa, lalo na sa panahon ng krisis ngayon.
Kahit anong kapasidad at landas man ang ating tatahakin, patuloy tayong magseserbisyo. Sa katunayan, mula November 6 hanggang 11, tuluy-tuloy ang pag-iikot natin at ng ating opisina sa iba’t ibang parte ng bansa upang tumulong sa mga kababayan nating nasa crisis situations.
Personal tayong pumunta sa Antipolo City upang mag-abot ng tulong sa 728 na indigent residents; 77 pamilyang apektado ng sunog; at 197 health workers at 130 pasyente ng Antipolo City Hospital System Annex IV.
Sa Luzon, nagbigay tayo sa 500 indigent residents ng Victoria, Tarlac; 3,000 sa Mabini, Pangasinan; 1,000 sa Valenzuela City; 334 na residente ng Tabuk City, Kalinga; 500 sa Silang, Cavite; 500 sa Laurel, Batangas na mga apektado ng Taal eruption; at 345 displaced workers sa Hermosa, Bataan.
Sa Southern Leyte, tumulong tayo sa 1,000 na residente ng Limasawa; at 2,000 naman sa San Francisco at Libagon. Sa Aklan, nag-abot tayo ng tulong sa 75 na residente ng Ibajay; 150 sa Nabas; 50 sa Malay; 50 sa Lezo; 50 sa Malinao; 125 sa Makato; at 75 sa Tangalan. Sa probinsiya ng Biliran, 111 na residente rin ng Cabucgayan at Biliran ang nakatanggap ng ayuda.
Sa Tantangan, South Cotabato, 1,000 na magsasaka ang ating inabutan ng tulong. Tumulong din tayo sa 2,000 indigent families sa Governor Generoso; at sa 353 essential workers sa Mati City, Davao Oriental.
Sa Iligan City, nag-abot tayo ng tulong sa 515 food delivery riders. Sa Agusan del Sur, namigay tayo ng tulong sa 2,200 residente ng San Luis; 1,160 sa Esperanza, at 825 sa Talacogon.
Tumulong din tayo sa mga nasunugan at apektado ng mga nakaraang sakuna.
Tumulong ang ating opisina sa 580 biktima ng sunog sa General Santos City; at 287 sa Metro Manila.
Tinulungan din natin ang 68 fire and flash flood victims sa Sultan Kudarat; 84 na pamilyang apektado ng monsoon rains sa Tupi, Tampakan, at Surallah sa South Cotabato; at 1,000 typhoon victims sa Biñan City, Laguna.
Sa ating hangaring malampasan ang pandemya, sinisiguro nating walang Pilipinong maiiwan sa ating muling pagbangon. Ito ang dahilan kaya napakaimportanteng magpabakuna upang maproteksiyunan ang buong populasyon.
Bagama’t maraming nababakunahan, lalo na sa critical areas kung saan malaki ang populasyon, mataas ang hawahan noon, at tinatawag ding economic hubs tulad ng Metro Manila, huwag din sana nating pabayaan ‘yung mga kababayan nating nasa malalayong lugar, mahihirap, at ‘yung umaasa talaga sa tulong at suporta mula sa gobyerno.
Ayon sa datos, 16% pa lang ng 4Ps households ang bakunado. Kung kaya’t kailangan pa talaga nating paigtingin ang vaccine rollout upang suyurin at iengganyo sila na huwag matakot sa bakuna dahil ito ang tanging paraan upang malampasan ang krisis.
Nananawagan tayo kay Pangulong Duterte na magbigay ng dagdag-insentibo para mahikayat ang pinakamahihirap na magpabakuna na sa lalong madaling panahon.
Sa paraang ito, naengganyo na natin silang magpabakuna, nabigyan pa natin sila ng dagdag-tulong. Bagama’t walang pilitan, wala rin tayong tigil na hikayatin sila dahil bakuna ang tanging susi at solusyon tungo sa pagbabalik sa normal na pamumuhay.
Huwag na natin silang mas pahirapan o pilitin pa. Mahirap talaga ang maging mahirap.
Tulungan at ipaintindi na lang natin sa kanila kung bakit mahalaga ang bakuna. Ilapit natin sa kanila ang impormasyon at serbisyo na kailangan upang maproteksiyunan ang buhay at kabuhayan ng lahat.
Tandaan, kung mas maraming nababakunahan at patuloy na bababa ang kaso ng nagkakasakit, mas luluwag ang mga patakaran at mas magbubukas ang ekonomiya.
Tuluy-tuloy na mawawala ang COVID-19, kasama ang hirap at gutom na dulot nito, tungo sa mas komportable at maginhawang buhay.
Magmalasakit at magbayanihan tayo para walang mapabayaan na kapwa natin Pilipino!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.





Comments