Walang iwanan… MAINE, PASOK PA RIN SA EB! NG TVJ KAHIT KASAL NA KAY ARJO
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 16, 2023

All-set na ang nalalapit na kasal ni Maine Mendoza sa nobyong si Congressman Arjo Atayde.
Siya mismo ang nag-aasikaso sa mga detalye ng kanilang kasal.
Pero, mainstay pa rin siya sa noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at mga Dabarkads sa TV5, ang This Is Eat! na eere na ngayong July.
Handang-handa na ang lahat sa pagsisimula ng bagong noontime show ng TVJ kasama ang mga Dabarkads. Nakapag-pictorial na sila at panay na ang bonding sa kanilang magiging bagong studio.
At dahil kumpirmadong kasama pa rin si Maine sa bagong noontime show ng TVJ sa TV5, nangangahulugan na mananatili pa rin siya kasama ang mga Dabarkads kahit magiging ganap na siyang Mrs. Atayde.
Magpapatuloy pa rin ang kanyang showbiz career at hindi niya iiwan ang TVJ at ang iba pang hosts.
Excited at natutuwa naman ang mga loyal fans ni Maine sa nalalapit na pagpapakasal ng kanilang idolo. Tinutukso at tinatawag na nga nila itong Mrs. Atayde at todo-kilig naman siya rito.
Handa na rin si Maine sa kanyang role bilang isang politician’s wife. Susuportahan niya si Cong. Arjo sa mga charity projects nito sa District 1 ng Quezon City.





Comments