Walang inaaming relasyon pero... JANINE, PROUD NA IDINISPLEY ANG MGA KILIG PHOTOS NILA NI PAULO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 15, 2022

May birthday post si Janine Gutierrez para sa kanyang rumored boyfriend na si Paulo Avelino na nag-celebrate ng kanyang 33rd birthday.
After na nagkasama sa Marry Me, Marry You sina Paulo at Janine ay hindi roon natapos ang tsismis sa kanila. Nasundan ito nang makasama sila ni Ogie Alcasid sa US Tour concert ng singer.
'Di agad bumalik ng 'Pinas ang dalawa dahil nag-extend sila ng pag-stay sa Tate para na rin magbakasyon.
Maraming mga kilig photos na ibinahagi sa kani-kanilang socmed account ang rumored celebrity couple.
Sa 33rd birthday ng actor, Janine reposted a candid shot ni Paulo kung saan siya ang may kuha nu'ng nasa New York City sila.
Simpleng caption ang kanyang isinulat, “Happy birthday @pauavelino”
May post din siyang picture kung saan kumakain sila ng pizza sa California at itinag ang aktor.
Hanggang ngayon ay hindi pa umaamin sina Paulo at Janine kung ano ang real score sa kanilang relasyon.
Pero, ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache ay mukhang may alam dahil nasabi niya sa interbyu na siya ang presidente ng PauNine (Paulo at Janine) fans club.





Comments