top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Walang ibang kasama, Carmina… CASSY, KUMANTANG SILA LANG NI DARREN ANG NAGPUNTA SA BEACH

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 11, 2022



Buo ang paniniwala ng Kapuso actress na si Carmina Villarroel na walang seryosong relasyon ang kanyang anak na si Cassy at ang singer-actor na si Darren Espanto.


Matagal na raw na magkaibigan ang dalawa kaya sobrang close sa isa't isa. Kaya naman kahit may mga tsikang BF-GF na sina Cassy at Darren ay ayaw tanggapin ni Carmina.


At kahit patuloy na pinag-uusapan ang pagpunta nina Cassy at Darren sa isang beach sa Batangas, ayaw itong lagyan ng malisya ni Carmina. May mga kasama naman daw ang dalawa kapag nag-a-out of town.


Ang ipinagtataka naman ng iba, bakit sa mismong Instagram post ni Cassy ay binanggit niyang sila lang ni Darren ang magkasama sa beach?


Kung tutuusin, wala namang masama kung lumalabas at nagde-date sina Cassy at Darren. Mabait at marespeto naman ang binata at alam ni Carmina na good influence si Darren kay Cassy.


At kung totoong may relasyon na nga ang dalawa, hindi naman ito nangangahulugan na magpapakasal na sila. Parehong goal-oriented sina Darren at Cassy at career ang kanilang prayoridad, hindi ang love life.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page