top of page
BIDA - BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN_FB Circulated.jpeg

Walang gustong magpatalo… BEA AT WILBERT, PARANG MAG-ASAWANG NAG-AWAY SA HARAP NI BOY

Writer: BULGAR
BULGAR
13 hours ago
2 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | November 5, 2026



FRANKLY - BEA AT WILBERT, PARANG MAG-ASAWANG NAG-AWAY SA HARAP NI BOY_YT FTWBA

Photo: YT FTWBA



Tila mag-asawang nagtatalo ang magka-love team at business partners na sina Bea Binene at Wilbert Ross sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Tuesday.


Sa naturang programa, tinanong sila ng King of Talk na si Boy Abunda kung paano ang kanilang dynamics at kung nag-aaway din ba sila.


Inamin naman ni Bea na parati silang nagtatalo dahil pareho raw strong ang personality nila.


“And pareho kaming may opinyon sa mga bagay-bagay. And ako po, I really like the conversation going. So, ‘pag kunyari, mayroon akong opinyon, I don’t expect you to agree to my opinion,” ani Bea.


“If you have another opinion, I want you to tell me why. And then, let’s talk about it,” dagdag niya.


Napuna ni Bea ang reaksiyon ni Wilbert kaya sey niya, “Bakit parang ‘di ka nag-a-agree?”

Natatawa namang sabi ng aktor, “Sabi mo kasi, parang ‘Tell me why.’ Sana, marunong kang makinig.”


Paliwanag ni Bea, kapag nagsabi raw si Wilbert ng opinyon nito, siyempre ay sasabihin din niya ang kanya at doon na raw nagsisimula ang argumento.


Sabi naman ni Wilbert, “Sa ‘kin kasi, Tito Boy, always rational reasoning. Kumbaga, ‘eto ‘yung tama sa karamihan.”


Napabuntong-hininga na lang si Bea na parang hindi rin agree sa sinasabi ni Wilbert.

Nagbiro naman si Kuya Boy ng “I think, I’m doing a marriage counseling.”

Natawa na lang ang dalawa.


Inamin din ni Wilbert na minsan daw talaga ay hindi sila nagtutugma ni Bea ng opinyon. Kailangan pa raw niyang latagan ang aktres ng mga basis sa kanyang opinyon.

Paliwanag naman ni Bea, “Ako naman kasi, ang point ko is that, it’s not just that side of the coin. There’s always another side of the coin, ‘di ba?”


Napa-“Hay!” na lang si Wilbert.

Ang sumunod naman nilang pinagtalunan ay ang ‘other side of the coin’ na binanggit ni Bea. At take note, paulit-ulit sila sa kanilang magkaibang opinyon na parang walang gustong magpatalo.


Pabirong hirit ni Kuya Boy, “Pero alam n’yo, magkakatuluyan kayo. Hunch (kutob) ko lang naman ‘to. This is the other side of the coin.”

Tawanan.


Dagdag pa ng TV host, “Importante na nag-uusap, importante na may palitan ng kuru-kuro.”


Muli ay nauwi na naman sa pagtatalo sina Bea at Wilbert tungkol sa hindi pakikinig sa opinyon ng bawat isa. 


Tawa naman nang tawa si Kuya Boy sa dalawa.

Sa naturang panayam ay tinanong ni King of Talk kung tumawid na ba sa pag-iibigan ang kanilang love team at inamin naman ni Wilbert na talagang nagiging close sila ngayon ni Bea.


“We got really close and ako, I really appreciate her as she is, s’ya mismo and okay naman kami, Tito Boy,” saad ng aktor.


“Basta sa ngayon, we’re just enjoying each other’s company, we enjoy working together, and I think, lumalabas s’ya sa mga projects namin, na sobrang komportable rin namin talaga,” dagdag pa niya.


Sabi naman ni Bea, ‘yun na rin ang kanyang sagot.

“Copy paste po,” natatawa niyang sabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page