top of page
BIDA - BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN_FB Circulated.jpeg

Wala raw utang na loob, gusto lang sumikat… BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 5, 2026



BIDA - BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN_FB Circulated

Photo: FB Circulated



May kumakalat na isyu tungkol sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemate na si Bela Arcal at sa mom nitong si Bernadette Cagada Arcal. 


Gusto ng ina na lumabas na sa Bahay ni Kuya ang kanyang anak dahil hindi raw totoo ang mga nai-share nito with her co-housemates.


Naikuwento kasi ni Bela na may lihim siyang tampo sa mom niya dahil hindi raw niya na-experience ang pagmamahal nito. Inakala raw ng mga neighbors nila na adopted siya. Her mom got pregnant when she was just 17 years old.


Ang ishinare ni Bela, “Parang ‘di ko naranasan ‘yung pagmamahal ng isang magulang. Or feeling ko nga lang, ‘di ko s’ya na-appreciate. Kasi, ‘di n’ya rin naman ako na-try... ‘di ko maalala, pero ‘di man lang n’ya naipusod ‘yung buhok ko.”


Mabilis ang reaksiyon ng mom ni Bela at ibinigay ang kanyang side na dapat lang pakinggan.


Sey nito, “‘Di po totoo ang mga kuwento n’ya. Proud ako na nanay dahil nakapasok s’ya r’yan. Sinuportahan ko s’ya sa lahat ng pangarap n’ya. Pinag-aral ko s’ya na kahit kailan, ‘di ako humingi ng tulong sa iba. Kulang na lang maging uod ako sa lupa, mabuhay lang s’ya. Masaya ako dahil nand’yan s’ya. 


“Pero sa bawat kuwento n’ya, may mali na, eh. Bakit kami rito sa labas ang target n’yang wasakin? Puro ka kadramahan. Bago ka sana nagsalita at nagpapaawa-effect sa kamera, naisip mo sana na may mawawasak kang tao sa labas dahil ordinaryong tao lang kami.


“‘Di kami katulad mo na gustong mag-artista. Pero sana, ‘wag mo naman akong alisan ng dignidad, integrity. Kasi ako, tahimik lang. Kung gusto mong sumikat, ‘wag mo naman akong idamay. Sikat ka nga, tapos ang nanay mo, inalisan mo ng pagkatao. Kung may pagkukulang ako sa ‘yo, puwede naman ‘yun punan, pero ‘wag mo naman sanang tuluyan wasakin ang buhay ko. Winasak na nga ng ama mo buhay ko, pati ba naman ikaw, ‘yun din gagawin mo sa ‘kin?”


Sinabihan din ni Bernadette ang anak na si Bela dahil ito lang ang laging may negative na kuwento tungkol sa kanyang pamilya.


Aniya, “Ikaw lang ang tanging nand’yan sa loob na lahat ng negative sa pamilya mo, ikinuwento mo na. Parang ‘di ka naging masaya sa buhay mo, ah. Puro kapighatian lang ba naranasan mo sa pamilya mo? Naalala mo ang kakulangan ko sa ‘yo, pero never mong nakita na ako bumuhay sa ‘yo at ako lang ang nagpaaral sa ‘yo. 


“At ako ang naninindigan sa ‘yo para makarating ka kung saang lupalop ka nand’yan. ‘Wag naman sanang ungrateful at hypocrite. Almost 30 years na ‘yang kuwento mo na hinahalungkat, tapos mali-mali pa.”


Nabanggit ni Bernadette na lumabas na lang sa Bahay ni Kuya si Bela para matigil na ang pagkukuwento nito ng mali-mali.


Pahabol niya, “Anak kita, pero ‘di ko ito-tolerate ang mga maling ginagawa mo kahit feeling mo, sikat ka na. Lumabas ka na lang d’yan. Simpleng tao lang kami, pero nadadamay kami sa ambition mong mali.”


Hindi pa alam ni Bela ang reaksiyon na ito ng mom niya dahil nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya. Kapag na-evict, saka niya malalaman ang mga sinabi nito. 


Tanong ng mga fans, kung mae-evict si Bela, saan ito titira? Alangan naman daw bumalik siya sa bahay ng ina pagkatapos ng mga nangyari.





‘Wag daw makipag-deal sa mga scammers… GLAIZA, NAGBABALA SA MGA GUSTONG BUMILI NG BAHAY NIYA



NAG-POST ng warning sa Facebook (FB) si Glaiza de Castro tungkol sa pagbebenta ng kanilang properties.


Post niya, “Many know we are currently selling some of our properties. For everyone’s protection. If anyone says they represent us as a broker or agent, please verify with our official contact person first before proceeding with any transaction.”


Nagbigay din ito ng contact no. na puwedeng tawagan ng buyer.


“Please note that a photo with us, personal acquaintance with us, or copies of our documents are not proof of authority to represent us. Only confirmation from our contact person will be considered valid. THANK YOU.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page