‘Di raw maintindihan kaya ‘di nasasaktan… MARIAN, DEDMA NA LANG KAY DINGDONG ‘PAG NAG-AAWAY SILA AT INIINGLES SIYA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 5, 2026

Photo: IG _marianrivera
Nakakaaliw ang kuwento ni Marian Rivera sa isang interview. Kapag nagkakagalit daw sila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes, ini-English-English siya nito, pero dinededma na lang niya at hindi naman daw siya nahe-hurt dahil hindi niya maintindihan ang malalalim nitong salita.
Pinalalampas na lang daw ni Marian kapag in a bad mood si Dong.
Aminado naman siya na hindi siya sanay sa pagsasalita ng wikang Ingles. Ang anak nilang si Zia ang nagtuturo at nagpapaliwanag sa kanya kapag may hindi siya maintindihan.
Kaya proud si Marian sa anak na lumaking smart at multi-talented. Bukod sa magaling kumanta, marunong ding tumugtog ng piano si Zia.
Samantala, marami naman ang hindi makapaniwala sa sinabi ni Dingdong na hirap siyang gawin ang kissing scene nila ni Marian sa movie nilang Remember. Kahit na mag-asawa na sila at gamay nila ang isa’t isa, iba pa rin kung sa pelikula nila gagawin ang halikan. Mas madali pa nga raw kay Dong ang mga buwis-buhay na stunts na ginagawa niya sa The Master Cutter.
Well, para sa kanilang mga loyal fans, patuloy na gumagawa ng pelikula sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Marami ngayon ang naiintriga sa sinabi ng card reader-psychic na si Mamu Gloria Escoto na narito lang sa ‘Pinas si Kim Chiu at wala sa Canada tulad ng unang napabalita.
May problema raw ang aktres-host, kaya siya pansamantalang nagbakasyon.
Magpapakita naman daw siya kapag okay na ang mga bagay na inaayos niya.
Isa pang tiyak na hindi tatanggapin ng mga fans ni Kim ay ang tungkol sa isang rich businessman na diumano ay karelasyon niya.
So, paano na si Paulo Avelino? Paano na ang KimPau tandem? Kaya raw pala ‘no comment’ lang lagi ang aktor sa tsismis na nagpakasal na sila ni Kim at preggy na ang Chinita Princess.
Kailan kaya lalantad ang aktres upang linawin ang mga issues sa kanya? Paano na ang KimPau tandem nila?
Wais sa pera, may mga negosyo na…
ANNE, TULOY ANG KITA KAHIT WALANG SHOW O MOVIE
DAHIL sa pahayag ni Kris Aquino na nagre-rent lang siya ngayon sa condo ni Anne Curtis, marami ang nagkainteres alamin kung gaano ba kayaman si Anne at kung anu-ano ang kanyang mga investments.
Maraming malalaking endorsements si Anne na milyones ang kanyang talent fee (TF), kaya kahit wala siyang movie ngayon, may pumapasok sa kanyang kita.
At nand’yan nga rin ang ilan sa kanyang mga condo na pinauupahan. Isa na rito ang condo na tinitirhan ngayon ni Kris kasama si Bimby at ang kanyang team. Malapit ito sa hospital kaya nagustuhan ng mag-ina.
Well, marunong humawak ng pera si Anne kaya hindi nakapagtataka kung nakapagpundar siya ng mga properties at maraming investments. Financially stable na siya, kaya hindi nagpa-panic at nai-stress kapag wala siyang pelikula.
At isa pa, mataas pa rin ang kanyang premium bilang isang artista, kaya mabenta siyang endorser.
MARAMING moviegoers ang natuwa at napa-“sana all” sa ginawa ng Viva Films na babaan ang ticket price ng kanilang dalawang pelikulang VHS at Peemak upang mas marami ang makapanood.
Sana, tularan din ng ibang movie producers ang Viva Films upang maengganyong manood ang publiko.
Sa ganitong paraan ay unti-unting babalik ang interest ng mga moviegoers na manood ng local movies.
Sa panahon ngayon na mahal na halos ang lahat ng bilihin, kailangan na magtulungan ang mga movie producers at theater owners para bumalik ang sigla ng movie industry.





Comments