top of page
BIDA - BELA ARCAL, TODO-PAAWA SA PBB, MADIR SINIRAAN, NIRESBAKAN_FB Circulated.jpeg

Anthony, inagaw lang daw sa GF, iniwan din… MARIS, SOLB NA SA BF NA AFAM

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 5, 2026



WINNER - MARIS, SOLB NA SA BF NA AFAM_FB Circulated IG _mariestellar

Photo: IG _mariestellar



Spotted again si Maris Racal kasama ang isang mysterious foreigner guy. Malaki ang hinala ng mga netizens na itong AFAM ang bagong boyfriend ng aktres.


Tatlong beses nang nakita sa airport ang mysterious guy na kasama ni Maris, but up to now ay hindi pa rin mapangalanan kung sino ang bagong lalaki sa buhay ng aktres.


Ang sure lang ay may dalang suwerte ang bagong lalaki ni Maris. Sunud-sunod kasi ang Best Actress award niya from different award-giving bodies.


Panay naman ang kuda ng mga netizens sa bagong karelasyon ni Maris.

“Kailangan n’ya pang manira ng ibang relasyon, ‘di rin pala sila nagkatuluyan ni (Anthony) Jennings.”


“Siguro, walang nagmamahal sa ‘yo, ‘noh?”

“‘Di naman pala n’ya itutuloy, kakaiba rin, eh.”


“Excuse me, si Jennings ang nagkalat na single s’ya. May mga taong katrabaho nila mismo ang stand against that. Walang pinag-aralan na cheater at ubod nang sinungaling si @anthonyjennings. No one defended him kasi gawain n’ya na ‘yan. Panoorin mo sa YouTube (YT) before pandemic, inamin n’ya na nag-cheat na s’ya dati. I dare you na i-deny ni Jennings ‘yan at ‘di n’ya ‘yan gagawin kasi s’ya naman talaga ‘tong malala ang ginawa.”


“Naka-move on na ang lahat pati ang ex ni Anthony Jennings. Ikaw, naiwan kang bitter pa rin.”

Ang dami nilang alam. Kalurky!





ISANG matamis na mensahe ang ipinost ng mister ni Angelica Panganiban na si Gregg Homan para sa kaarawan ng aktres kahapon, November 4. 


Kuwarenta-anyos na si Angelica at masaya sa piling ng asawa kasama ang unica hija nilang si Amila Sabine.


Nag-post si Gregg sa IG ng piktyur ng kanilang mga kamay habang hawak ni Amila ang tig-isa, kalakip ang isang nakakaantig na birthday message para kay Angge.


Caption ni Gregg, “At 40, the greatest wealth isn’t what we own, the places we’ve travelled, or the things we’ve achieved. It’s moments like these. The little hands that hold ours, the love we share, and the family we’ve built. Happy birthday to my beautiful wife. You are, and always will be, my greatest blessing @iamangelicap.”


Marami ang bumati sa aktres sa IG post ni Gregg. At the same time, dagsa rin ang pumuri sa mister nito sa pagiging mabuting asawa.

Sey ng mga netizens…

“Sweet naman! Those words… ‘YOU ARE AND ALWAYS WILL BE MY GREATEST BLESSING’ Whoah! @iamangelicap. (Gregg) Lucky to have you as her husband! Happiest birthday, Angge.”


“Both of you are so lucky to have each other. Happy 40th birthday, Angge @iamangelicap Life truly begins at 40.”


“Sweet message. Hello, Amimi (Amila)! Send my greetings to your mom, my idol sa Ang TV pa until now.”


“Ang tamis. Happy and blessed birthday, Angelica.”

Pati ang aktres at friend ng mga Homan na si Eugene Domingo ay pinuri rin si Gregg.


“Good job, Godson. Happy birthday, Goddaughter @iamangelicap,” sey ni Uge.

Happy 40th birthday, Angelica!





HINDI na raw pumapatol sa mga bashers si Kolette Madelo. Binabawasan na raw niya ang paggamit ng social media.


Ang dami raw kasing negative issues na ibinabato sa kanya. Parang gusto raw kasi kapag nasa showbiz ka, lahat ng nakikita sa ‘yo ay perfect.


Aminado si Kolette na patola siya noon sa mga bashers. Hindi pa raw niya kasi alam noon how to respond. Pero ngayong matagal-tagal na siya sa showbiz, medyo nakakapag-adjust na siya.


Thankful si Kolette sa bago niyang project. This time, si River Joseph naman ang kanyang kapareha sa vertical series na Dead Girl Walking (DGW), na mapapanood ang lahat ng episodes simula Nobyembre 6 (Biyernes) sa iWant.


May halong kilig at gulatan ang hatid ng tambalang KoVer. Ito ang unang vertical series ng dalawa matapos mapasama sa primetime series na Blood Vs. Duty (BVD).


In fairness, kinilig kami kina Kolette at River sa BVD. For sure, mas nakakapanabik ang tambalan nila sa DGW mula sa production ng JRB Creative Productions.


Makakasama rin nina Kolette at River sina Allyson McBride, Reich Alim, Hannah Vito, Desiree del Valle, at Nikki Valdez, sa direksiyon ni Emerald Silvestre.


Abangan ang Dead Girl Walking ngayong Nobyembre 6 sa iWant. Libre namang mapapanood ang unang limang episodes nito sa TikTok, Facebook (FB), at YouTube (YT) pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page