top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Walang face-to-face classes ngayong school year

  • BULGAR
  • Jul 18, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 18, 2021



Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang pormal na pagbubukas ng school year 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan sa September 13.


Bukod dito, nauna na ring sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang mga private schools ay maaari nang simulan ang pagbubukas ng kanilang klase nang mas maaga, ngunit mananatili pa rin ang pagpapatupad ng distance learning system sa bansa.


☻☻☻


Nakalulungkot dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes sa ating bansa.


Isa ang inyong lingkod sa mga sumusuporta sa pagkakaroon ng pilot testing ng limited face to face classes, lalo na sa mga lugar na mababa ang transmission ng COVID-19.

Hindi na kaila sa atin na marami sa ating mga kababayan ang nahihirapan sa distance learning dahil sa kakulangan sa gamit at dahil na rin mahina ang internet connection sa ibang mga lugar.


☻☻☻


Nakapagbigay na rin ang DepEd sa Malacañang ng listahan ng mga paaralan na maaaring pagdausan ng pilot testing.


Bagama’t hindi ito pinayagan ng pangulo, sinabi ng DepEd na umaaasa pa rin sila na pahihintulutan ng pangulo ang kanilang request, lalo na kung patuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa at tumaas naman ang bilang ng mga nabakunahan.


☻☻☻


Sa pagbubukas ng klase ngayong taon, umaaasa tayong lubusan ang naging paghahanda ng DepEd para na rin sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Nakita na natin ang mga pagkukulang sa blended learning program natin noong nakaraang taon at nawa’y natuto na tayo mula sa mga ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page