top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Walang face-to-face class hangga’t walang bakuna, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2020
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 06, 2020



Malinaw ang pahayag ni P-Digong: Walang face-to-face class hangga’t walang bakuna.


Kung gayun, matatapos ang 2020-2021 school year nang naka-online lang!


◘◘◘


DAHIL online class, inirerekomenda na walang “failed” grade o awtomatikong “mas promotion” ang mga estudyante na nag-enroll.


Malaki ang tama ninyo!


◘◘◘


UMABOT na sa P10 trilyon ang utang ng Pilipinas.


Naka-prenda ang 110 milyong Pinoy!


◘◘◘


TEKA, kung isa kang pulubi, mayroon bang magpapautang sa iyo?


Wala!


◘◘◘


ANG utang ay hindi batayan kung mahirap o hindi ang tao.


Ang mga oligarko at kroni ay may multi-bilyong pisong utang din!


◘◘◘


ANG salapi o naabot na antas sa eskuwelahan ay hindi rin sukatan ng tagumpay.


Ang sukatan ng tagumpay ay batay sa “itinakdang personal na mithiin” ng indibidwal!


◘◘◘


ANG mapanghimasok na kapitbahay at sosyedad ay nangingilam sa pribadong buhay ng indibidwal.


Pinakikialaman nila kung tagumpay o hindi ang tao!


◘◘◘


GAYUNMAN, sa ilang nagmamasid, ang tagumpay ay kakambal ng “saya o pagiging kontento” ng tao sa kanyang buhay.


Ang magsasaka ay higit na mas masaya sa enhinyerong walang malinaw na direksiyon sa buhay!


◘◘◘


PERO, mahirap husgahan ang tao.


Dahil kahit sa paningin ng sosyedad ay bigo siya sa ordinaryong panukat, maaaring higit siyang masaya kaysa sa mga tsimosa’t tsismoso!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page